HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


HELLO MEGA CENTERS

Nais po naming hingin ang inyong tulong sa pagbuo ng ating kauna-unahang News Letter. Inaanyayahan ko namin kayong magpadala ng mga buhay na patotoo ng inyong mga natatanging member para mailathala sa nabanggit na News Letter. Ito po ay First come - First serve basis. Salamat po!

Para sa iba pang detalye makipagbigay-alam lang po kay Ms. Kim Bacolor (09274181098)


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
Cherish your visions and your dreams as they are the children of your soul, the blueprints of your ultimate achievements.
Napoleon Hill
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

ANG TAMANG PAGKAIN NG PRUTAS

ANG TAMANG PAGKAIN NG PRUTAS

ANG PRUTAS ANG PINAKAMAHALAGANG PAGKAIN. Kaya marapat lamang na kainin ito ng tama upang mapakinabangan ito ng maigi ng ating katawan.

Kapag ang prutas ay kinain mo ng may laman na ang iyong tiyan, ang prutas ay papatong lamang sa mga nauna mo nang kinain hindi ito makakadiretso kaagad sa bituka kung saan siya nararapat mapunta. At kapag napahalo na ang prutas sa nabubulok na pagkain, nafe-ferment ito at nagiging acid, doon ang lahat ng laman ng tiyan mo ay nasisira na.

Siguro ay naranasan n’yo na, na sa tuwing kumakain kayo ng prutas sa twing matatapos kumain bilang panghimagas ay napapansin ninyo na dighay kayo ng dighay at parang biglang lumaki ang tiyan mo dahil sa hangin o bigla-bigla kang nakaramdam ng pagdumi at iba pa. Sa totoo lang hindi n’yo ito mararanasan kung kinain ninyo ang prutas habang wala pang laman ang inyong tiyan. Kapag may laman na ang inyong tiyan, ang kinain ninyong prutas ay hahalo sa mga nabubulok nang pagkain na nasa loob na ng inyong tiyan, kaya ito ay lumilikha ng hangin at doon makakadama ka ng pagbigat ng tiyan dahil sa hangin.

Ayon sa ilang experto ang pagputi ng buhok, pagkapanot, pagkanerbyoso at pangingitim ng paligid ng mata ay hindi mararanasan kung kinain ang prutas ng wala pang laman ang tiyan.

Maraming nagsasabi na ang mga prutas na maaasim tulad ng orange, dalandan atbp ay acidic, hindi po iyon totoo dahil ang lahat ng prutas at nagiging alkaline kapag pumasok na sa ating katawan, ayon ito kay Dr. Herbert Shelton na nagsagawa ng pagsasaliksik tungkol dito. Kapag nasanay tayong kumain ng prutas sa tamang paraan, para na rin nating nakuha ang susi ng sekreto ng kagandahan, sekreto ng mahabang buhay, sekreto ng kalusugan, sekreto ng kalakasan, sekreto ng kaligayahan at sekreto ng tamang timbang.

Kung iinom tayo ng fruit juice – dapat fresh juice, hindi ‘yong de lata. ‘Wag kang iinom ng juice na dumaan sa init o apoy. Hindi rin dapat lutuin ang prutas dahil mawawala ang bitamina nito. Ang makukuha mo lang ay ang lasa pero wala na ang bitamina.

Subalit mas mainam pa ring kumain ng prutas kaysa uminom ng juice nito. Sakaling iinom ka ng juice dapat mapuno ang iyong bibig nito at dahan-dahan lang ang paglunok kasi mahalagang maghalo muna ang juice at ang laway mo bago mo ito lunukin ng tuluyan. Maaari ka ngang mag-prutas lang sa loob ng tatlong araw at makikita mo na lalo kang magiging maganda at malusog.

KIWI: Maganda itong pagkunan ng potassium, magnesium, vitamin E & fiber. Ang vitamin C nito doble ng sa orange.

APPLE: Bagaman mababa lang ang taglay nitong vitamin C, meron naman itong antioxidant at flavonoids na nagpapaganda ng trabaho ng vitamin C, sa ganon ay nakakatulong sa pagpapababa ng panganib sa colon cancer, heart attack at stroke.

STRAWBERRY: Protective Fruit. Ang mga strawberries ay nagtataglay ng pinakamalakas na antioxidant laban sa cancer at pagbabara ng dugo sa ugat gawa ng free radicals, kumpara sa halos lahat ng ibang prutas na alam natin.

ORANGE: Sweetest medicine. Ang pagkain ng 2-4 na oranges bawat araw ay makakatulong para hindi tayo magkaroon ng sipon, pambababa ng cholesterol, pagpigil at pagtunaw ng kidney stones at maging tulong para hindi mag-colon cancer.

WATERMELON: Coolest thirst quencher. Nagtataglay ng 92% ng tubig, meron din itong pinakamayamang dami ng glutathione, na makakatulong sa pagpapalakas ng ating immune system. Pinanggagagalingan din ito ng lycopene — isa ring antioxidant. Ang iba pang bitamina na matatagpuan sa watermelon ay vitamin C at Potassium.

GUAVA & PAPAYA: Top awards for vitamin C. Ito ang pinakapanalo pagdating sa taglay na vitamin C mayaman din ito sa fiber, na tumutulong sa hindi pagkadumi. Ang Papaya naman ay mayaman sa carotene; mainam sa mata.

BANANA: Nagtataglay ng vitamin B6 para ayusin ang antas ng blood glucose, mataas ang iron, kaya nitong pasiglahin ang paglikha ng hemoglobin sa dugo natin para maiwasan ang anemia. Nagtataglay ng maraming Potassium at mababa ang salt kaya magandang pang regulate ng blood pressure.

Click here to COMMENT

No related posts.

Comments are closed.

The On Demand Global Workforce - oDesk

February 2012
M T W T F S S
« Aug    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
272829