Archive for the ‘‘Wag Mag-aksaya Ng Panahon’ Category
MAG-SHEMA BAGO PA MAN BUMAGYO
‘WAG MAG-AKSAYA NG PANAHON
By Arlan Laroya
“The ants are not a strong people, But they prepare their food in the summer.” – Pr.30:25
“‘Wag mag-aksaya ng panahon…maging maagap, masipag at magtyaga kayo, tumulad kayo sa mga langgam naghahanda bago pa man dumating ang bagyo!” Noong bata pa ako madalas ko itong naririnig sa mga pangaral ng matatanda at dahil bata pa ako noon, hindi ko masyadong pinapansin ang kahalagahan nito. Akala ko sinasabi nila ito para may masabi lang, ngayon ko na-realized nang ako na ang nasa lugar nila para mangaral mga bata—sinasabi ko na rin ito ngayon sa kanila na punong-puno ng kahulugan at kabuluhan sa akin. Dagdag ko pa, alam n’yo ba na kahit bumagyo at bumaha ang mga langgam ay may sapat na makakain dahil pinaghandaan nila iyon. Alam nila na hindi na sila makapaghahakot ng pagkain ‘pag umuulan na. Alam nila na mamamatay sila ‘pag nag-aksaya sila ng panahon sa ibang bagay maliban sa pag-iipon ng makakain bago dumating ang tag-ulan. Kaya pagdating sa hindi pag-aaksaya ng panahon masasabi ko ang langgam na ang pinakamagandang halimbawa at ‘yan din ang sabi ng Biblia!
Bago ko ibigay ang aking punto, gusto ko munang tingnan natin ang mga napapanahong pangyayari sa ating buhay-buhay, lalo na doon sa mga taong nakararanas nang kahirapan sa kanilang kabuhayan. Siguro ay sasang-ayon kayo sa akin na ang isa sa dahilan ng kahirapan ay ang nararansan nating pangdaigdigang krisis, ibig sabihin hindi lang tayo sa Filipinas ang nakararanas nito, kaya mas mahirap nang makakuha ng trabaho sa loob at labas nang ating bansa. Kung meron man hindi na ganon karami at hindi na rin ganon kalaki ang sweldo. Isang halimbawa na lang ang mga nurses na noon ay halos pinag-aagawan sa US, Canada at London pero dahil tinamaan din sila ng krisis maliban sa iba pang mga dahilan, minabuti nilang doon na lang sila kumuha ng mga nurses sa kani-kanilang bansa kaya biglang-bigla hindi na nila tayo kailangan, kaya dumami ang mga nurses pero wala nang mapasukan. Ano na ang mangyayari sa mga nurses natin ngayon? Malamang marami sa kanila ay makararanas din ng kahirapan kahit ayaw nila. Ang tinutukoy ko ay mga taong nagsikap, nagtyaga at hindi nag-aksaya ng panahon para maabot nila ang kanilang mga kinalalagyan pero dahil sa sitwasyon ay malamang makararanas din ng kahirapan. Paano pa kaya ngayon ‘yong higit na nakararami nating kababayan na hindi nagsikap, hindi nagtyaga at walang ginawa kundi mag-aksaya ng panahon sa mga bagay na walang pakinabang? Malamang mas mahihirapan sila.
Ang gusto ko pong sabihin sa inyo ay ito: Kung ang mga taong masikap, masipag, matyaga at maagap ay nahihirapan paano pa kaya iyong mga tamad, papatay-patay, mga walang tyaga at iresponsable?
Kaya hangga’t maaga ay gawin na natin ang mga bagay na may mapapala tayo kung hindi man ngayon, kahit sa darating na panahon. Dahil ang kalagayan natin ngayon ay bunga lamang nang mga disisyon o aksyon na ginawa natin noon. Ngayon natin inaani ang mga itinanim natin noon. Kaya kung gusto mo nang masaganang ani bukas, magsimula ka nang magtanim ngayon! Kung ikaw na bumabasa nito ay nakararanas nang kahirapan, walang stable na kabuhayan, kung may trabaho man hindi naman sapat sa mga pangangailangan mo at ng iyong pamilya ang sweldo mo dahil noon ay wala kang ginawang paghahanda o pagsisikap para umasenso ang buhay mo, sa Shema may pag-asa ka pa, maaari pang magbago ang buhay mo dito at maging masagana ang iyong kabuhayan. Kung sa mga nagdaang panahon ay wala kang ginawa para umasenso ang buhay mo o kung sa nagdaang panahon ay nakipagsapalaran ka pero palaging nabibigo, pwede mong ituring na ang Shema na ang “last chance” mo. Dahil nakalaan para sa mga maniniwala at makikibahagi sa programa ng Shema ang isang pagpapalang hindi mauubos. Minsan pa gusto kong sabihin sa iyo…”’Wag ka nang mag-aksaya ng panahon” ‘wag mo nang palampasin ang pagkakataong pwede ka pang mag-Shema.
Click here to COMMENT



