HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
People who don't take risks generally make about two big mistakes a year. People who do take risks generally make about two big mistakes a year.
Peter Drucker
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Ang Katotohanan Sa Networking’ Category

ANG KATOTOHANAN SA NETWORKING

Ang Netwoking Sa Buhay Ko
By Arlan B. Laroya

Noong ako ay nainvolved sa Traditional Networking business, akala ko iyon na ang hinahanap kong kapalaran, akala ko ‘yon ang magdadala sa akin sa buhay na kung ituring ay “Financial Freedom”. Kaya nang marinig ko ang paliwanag sa isang seminar na aking napuntahan ay agad-agad akong nagbayad kahit medyo may kamahalan din ang pagpapa-member. Basta ang nasa isip ko noon mababawi ko rin ito sa lalong madaling panahon kasi pares-pares lang naman tapos tutulungan pa ako ng upline ko, o saan ka pa?! Ayun na nga dahil tatlong ulo kaagad ang kinuha ko, may isang pares agad ako, wow may kita agad. Invite dito invite doon! Paliwanag dito, paliwanag doon. Wala akong ini-entertain na mga negatibong press releases para hindi ako madiscourage, basta ang alam ko kikita ako. Mangilan-ngilan din ang aking na-recruit mula sa aming church, dahil pinangakuan ko sila na tutulungan ko naman para mabilis silang kumita, kaya ‘yon pumasok na rin. Hataw lang ng hataw ayun may mga naniwala pang ilan. Pero unti-unting bumagal ang pasok ng mga tao dahil marami nang nag-aagawan sa tao at may mga nagsulputan na ring iba pang networking na nagsasabing maganda ang kitaan, hanggang sa tuluyan na ngang namatay ang aming networking business.

Nang aking balikan ang ilang buwang hataw nakita ko na kumita naman pala ako kahit paano, kaya kahit nagkaganon ay masaya pa rin ako. Pero bigla din akong nalungkot kasi ‘yong aking mga na-recruit na aking pinangakuang kikita rin ay hindi kumita dahil hindi ko naman din talaga natulungan. Bagaman nakakalungkot wala na akong nagawa. Ang mas masaklap nito hindi pa ako nadala, kasi pumasok pa uli ako sa ibang networking sa pag-aakalang baka mas natuto at mas magaling na ako ngayon. Pero gaya ng inaasahan wala pa rin! Dahil ‘yong mga dating naniwala sa akin ay ayaw nang maniwala kasi hindi sila kumita gaya nang pangako na sinabi ko sa kanila na “KAPAG PUMASOK SILA KIKITA SILA NG MALAKING PERA!”

Ito ang aking mga natutunan sa mga pangyayari. Kung papasok ka sa networking dapat nakahanda kang mag-WORK kasi kung hindi,  wala ka talagang kikitain. ‘Wag kang maniwala sa mga nagsasalita sa seminar na ‘pag pumasok ka kikitain mo rin ‘yong kinikita o kinita nila, kasi magkaiba kayo ng pagkatao at kakayahan, iba rin ang mga kakilala mong tao sa mga kakilala n’ya. Hindi rin ang pagsali mo doon ang magpapayaman sa iyo kundi ‘yong kakayahan mong mangumbinsi ng tao o magbenta man lang. Hindi rin totoong ang traditional networking ay “AUTO PILOT” na kahit iwan mo ay kikita ka — NEVER! Kasi kailangan mo talagang mag-recruit ng mag-recruit at magbenta ng magbenta. Paano kung mahiyain ka? Paano kung hindi ka magaling magpaliwanag? Paano kung walang pumasok sa mga hinihikayat ninyo? Paano kung walang bumili? ‘Di wala kang kita (walang pera)! Ganoon lang ‘yon kasimple. Sa anumang Traditional Networking ang iyong kikitain ay nakabase lagi sa laki o dami ng iyong downlines. Hindi ko sinasabing masama ang Traditional Networking, ang sinasabi ko ay simple lang, “Kung hindi ka nakahandang mag-work para padamihin ang iyong downlines ‘wag na ‘wag kang papasok d’yan para hindi ka masaktan at makasakit.”

Iyan ang malaking kaibahan ng Shema Shema United Development International Foundation, (SUDIF), sa kanilang lahat, dahil dito, HINDI KA NA MAGBEBENTA AT HINDI KA PA MAGRE-RECRUIT pero makakatanggap ka ng monthly pension for 7 years, na hindi bababa sa P14,400.00 at sa ika-29 na buwan nang pagiging member bibigyan ka pa ng brand new house and lot worth P1.8M. Sa ngayon ay 400 na ang nakatanggap ng brand new house and lot worth P1.8M. at higit na marami ang tumatanggap ng monthly pension na hindi bababa sa P14,400.00. Aminado ako na mahirap ‘yang paniwalaan pero isa lang tiyak hindi masasayang ang pera mo at efforts ‘pag nakinig ka at naniwala. Nasa iyo na ang pagpapasya!

ANG KAIBAHAN NG SHEMA SA LAHAT NG NETWORKING/MLM

SHEMA TRADITIONAL NETWORKING / MLM
Kailangan mo lang bumili ng SHEMA products buwan-buwan. Pagdating ng 14 buwan na pagbili ng SHEMA products matatanggap mo na ang iyong Loyalty Bonus na 12K. Pagkatapos ng mga panahon na iyon, ang ipambibili mo na ng mga produkto ay pera, na galing na sa Shema. Hindi ka na maglalabas ng sarili mong pera bagkos ikaw ay makakatanggap pa. Kailangan laging bumili para makakuha ng rebates at commissions.
Yong ibinayad mo ay 100% na product. ‘Yong ibinayad mo, hindi ‘yon para sa product lahat dahil may cut ang upline mo doon.
Hindi kailangang magbenta para kumita, dahil ‘pag ikaw ay nakabili na ng 16 beses at patuloy ka pa ring bumibili, siguradong makakatanggap ka ng Pension mula sa Foundation kahit wala kang nabenta. Dapat magbenta para makaabot ang quota, para may kita.Mas maraming nabenta, mas maraming kita. Walang nabenta, walang kita.
Hindi nakasalalay sa pagre-recruit ang kita, dahil ‘pag ikaw ay nakabili na ng 16 beses at patuloy ka pa ring bumibili, siguradong makakatanggap ka ng Pension mula sa Foundation kahit wala kang na-recruit. Dapat mag-recruit para kumita.Mas maraming downlines, mas malaki ang kita. Walang downline, walang kita.
Kahit mahiyain, hindi marunong magpaliwanag ng products at walang panahon magbenta basta nakabili na ng 16 beses at patuloy ka pa ring bumibili, siguradong makakatanggap ka ng Pension mula sa Foundation. Ang mahiyain, hindi marunong magpaliwanag ng products at walang panahon magbenta ay walang kita.
Kahit mahiyain, hindi marunong mangumbinsi ng tao, walang kakilala at walang panahon mag-recruit basta nakabili na ng 16 beses at patuloy ka pa ring bumibili, siguradong makakatanggap ka ng Pension mula sa Foundation. Ang mahiyain, hindi marunong mangumbinsi ng tao, walang kakilala at walang panahon mag-recruit ay walang kita.
Kahit walang maniwala sa iyo basta nakabili ka na nang 16 beses ng Shema products at patuloy ka pa ring bumibili, siguradong makakatanggap ka ng Pension mula sa Foundation. ‘Pag wala nang naniwala s’yo wala ka nang kita.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031