HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
Most people have no idea of the giant capacity we can immediately command when we focus all of our resources on mastering a single area of our lives.
Tony Robbins
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Ang Shema Sa Buhay Ko’ Category

MAY PERA SA SHEMA!

ANG SHEMA SA BUHAY KO
By Arlan B. Laroya

Nagsimula ang lahat sa pakikinig ng mensahe na may kinalaman sa kalusugan at kasaganahan na nakapaloob naman sa programa ng Shema Foundation (SUDIF at SUBICC). Ayon sa programa, kailangan na ako ay bumili ng kanilang produkto na nagkakahalaga ng P2,520.00 bawat buwan. At sa unang 14 na buwan lang ako maglalabas ng pera, pero sa mga susunod na pagbili ko ng produkto, ang pera ay manggagaling na sa mismong foundation, Wala na akong ilalabas pang iba at dahil din sa aking pagbili ng produkto ako rin ay nagiging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY.

Anu-ano ba ang kahalagahan ng mga ‘yan?

Bilang MEMBER, meron akong tungkulin na pangalagaan at paunlarin ang aming kumpanya lalo pa’t ito ang magbibigay sa akin ng kaginhawahan sa buhay. Magagawa ko ito sa pamamagitan ng regular na pagbili at paggamit ng aming mga produkto, dapat gawin ko ito ng may katapatan. At dahil maganda rin naman ang aming mga produkto, kaya hindi rin nakakahiyang ibahagi sa iba. Lalabas na ako ang magiging endorser ng sarili naming mga produkto, para lalo pang lumago ang aming kumpanya. Bilang BUSINESS PARTNER, ako ay hindi lamang tagabili, ako rin ay may karapatang makihati sa lahat ng kinikita ng aming kumpanya. At dahil ang Shema ay isa ring foundation, ako ay BENEFICIARY din, kaya sigurado akong may matatanggap na pagpapalang nakalaan sa mga matapat na members.

Uulitin ko ha, bilang MEMBER, sisiguruhin kong makapagkunsumo ako ng aming mga produkto bawat buwan. Bilang BUSINESS PARTNER, sisikapin kong magtrabaho sa ikalalago ng aming kumpanya at bilang BENEFICIARY, maghihintay ako ng may pagtitiwala, buong katapatan at katyagaan sa mga pagpapalang nakalaan para sa amin na mga naniwala sa pangako. Hindi pwedeng mawala ang anuman sa tatlong ‘yan.

Bakit ba kailangan pa naming patuloy na bumili ng aming mga produkto? Ano ba ang mangyayari kung hindi na ako bibili? Kailangan kong regular na bumili ng aming mga produkto, kasi iyon o doon nagsisimula ang aming mga pagpapala. Bakit ba patuloy na lumalaki at dumarami ang mga branches ng SM? Kasi maraming tao ang patuloy na tumatangkilik sa kanila, ganon din ang iba pang negosyo; softdrinks, alak, damit at marami pang iba. Mas maraming bumibili, mas maraming kita! Ang kaibahan lang namin sa kanila, kasama kami sa pagyaman ng aming kumpanya, pero sa kanila, ang may-ari lang ang yumayaman. Tingnan mo ito, ‘di ba matagal ka ng umiinom ng kape, juices, choco drinks, bago pa man magka-Shema? May binigay na ba ang mga mayayamang may-ari ng mga produktong ito sa iyo? Wala! Natural lang ‘yon kasi wala ka namang bahagi sa kanilang kumpanya, maliban sa pagiging consumer, hindi ka naman stockholder o business partner. Sa tanong na, “Bakit ba kailangan pa naming patuloy na bumili at magkunsumo ng aming mga produkto?” Simple lang ang sagot, una para lalo tayong maging malusog. At siempre para lalong lumaki at tumibay ang ating kumpanya. Ano ba ang mangyayari kung hindi na ako bibili? Mawawala ang ating karapatang mag-ani kasi hindi tayo nagtanim. Hindi lang ‘yan baka humina din ang takbo kumpanya at liliit ang ating kita.

Paano naman lumalago ang aming kumpanya? Gaya ng nasabi ko na, mas maraming tumatangkilik sa produkto mas malaki ang pagkakataong kumita ng malaki rin. Isa pa ay ang paglalagak ng pera ng aming kumpanya sa mga investment firms na kayang magbigay ng mas malaking interest rates. Isa pa rin d’yan ay ang katapatan ng mga lalaki’t babae na pinagkatiwalaan ng Diyos na mamahala ng Shema at ang katapatan ng aming mga funders na magdagdag ng pondo sa tuwing kami ay nakakapag-liquidate ng kita mula sa aming kumpanya. Dahil sa mga bagay na ‘yan ay sigurado na kami na mas lalaki ang aming matatanggap na pagpapala.

Sana kayo rin ay magbigay ng pagkakataon sa inyong mga sarili na maging bahagi ng Shema, habang nakabukas pa ang pintuan para sa mga nais maging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031