Archive for the ‘Ang Simpleng Buhay Endorser’ Category
I AM A PROFESSIONAL ENDORSER
ANG SIMPLENG BUHAY ENDORSER
By Arlan Laroya
Ikaw na member ng Shema na bumabasa nito, ano ang tingin mo sa sarili mo bilang isang member ng Shema? Marami ka sigurong naisip na sagot! Pero naisip mo ba na ikaw ay isang “ENDORSER”? Kung hindi mo ‘yan naisip, sige tutulungan kitang ipaisip muna ‘yan sa iyo ngayon. Bago ang lahat hayaan mo munang ilagay natin ang kahulugan ng salitang ating pag-uusapan. Ang isang endorser ay tao na nag-aalok ng isang produkto sa iba madalas para siya ay kumita at bilang isang endorser, mahalaga ang professionalism para hindi magkaproblema.
Isa sa basic na prinsipyo para sa isang mahusay na endorser ay ang kanyang matinding paniniwala sa kanyang produkto, una sa lahat dapat siya muna ang unang gumagamit ng produkto na kanyang inaalok para maging kapani-paniwala. Mahalaga din na sa isang endorser na wala na siyang ibang dalang produkto lalo pa kung ito ay kapareho ng kanyang ini-endorsong produkto. Hindi pwedeng dalawang magkalabang produkto ang pareho mong ini-endorso. At dahil ang ini-endorso mo ay ang mismong bumubuhay sa iyo at sa pamilya mo, dapat mahalin mo ito. ‘Wag kang gagawa nang anumang bagay na makakasira sa kumpanya o produkto na iyong ini-endorso, dahil ‘pag bumagsak ang kumpanyang ‘yan, ikaw ang unang mawawalan ng kabuhayan.
Meron nga akong alam na ‘yong ama nila ay nagtatrabaho sa isang kumpanya ng soft drink, ‘yong buong pamilya hindi talaga umiinom ng kalabang soft drink. Meron pa nga hindi kumakain sa mga fast food na ang soft drink na tinda ay sa kalabang kumpanya. Siguro ay sasabihn ninyo, “Sobra naman ‘yan!” Pero ang totoo ‘yon ang nararapat.
Ano ang dahilan ko bakit ko ito sinasabi sa inyo? Kasi pansin ko hindi natin nauunawaan ang bahaging ito bilang isang member ng Shema. Parang ang tingin natin ang lahat nang responsibilidad ay nasa mga namumuno lamang at tayo ay tatanggap na lang nang tatanggap kasi nagme-maintain tayo at ‘pag may konting aberya angal agad?! Kung ganon ang ating ipamumuhay malamang hindi nga tayo pagpapalain ng Diyos. Meron pa nga akong alam, nagpapa-member sa shema para maka-bingwit, ‘yong iba pa nga lambat ang dala para dalhin sa kanilang mga NETWORKING/PYRAMIDING ang mga taong mami-meet nila sa Shema. Itigil n’yo na ‘yan kung gusto n’yo konting delekadesa naman ‘wag na sa loob ng Shema. May iba pa nga matataas na ang level pero ibang kape pa rin ang iniinom at ini-endorso eh. Maraming food supplement sa market maaaring magagaling din sila pero iba ang atin, kasi ang sa atin ay higit pa sa mga produkto at kitaan ng pera, dahil ang ating mga produkto ay ang siyang gagamitin ng Diyos para padaluyin ang pagpapalang nakalaan sa mga maniniwala sa Kanyang programa. Hindi lang tayo endorsers ng food supplements o nang malaking kita, tayo ay mga endorsers ng plano ng Diyos sa buhay ng maraming Filipino. Meron pa bang mas tataas d’yan? Gusto pala natin ng malaking kita ‘di pursigihin natin ang pag-i-endorso at ‘pag may aberya ‘wag basta-basta magmaktol na halos parang may amnesia, nakalimutan na lahat ng pangako ng Diyos. Lagi mong isipin hindi pera ang isyu dito—KUNDI ANG PLANO NG DIYOS SA BUHAY NG MGA TAO, endorser ka n’yan!
Click here to COMMENT



