Archive for the ‘Ang Tunay Na Kabuluhan Ng Loyalty Bonus’ Category
LOYALTY BONUS
ANG TUNAY NA KABULUHAN NG LOYALTY BONUS
By Arlan Laroya
Sa kasalukuyan ay tadtad ng batikos ang inaabot ng Shema dahil sa pagkaantala ng “LOYALTY BONUS”. Hindi na rin natin masisi ang mga members na mainip na o madismaya sa mga pangyayaring gaya nito pero ang nakakalungkot ay may mga members na sa sobrang galit ay nagagawa nang magmura, magbanta o mambatikos.
Inisip ko ano ba ang loyalty bonus na ‘yan at bakit nagkakaganito ang mga taong ito? Ang loyalty bonus ay halagang P12,000 na ibibigay sa sinumang member na nakapag-maintain sa loob ng labing-apat na buwan.
Minsan ay napaisip ako nang ganito; sapat na bang masabing loyal ang isang member dahil nakabili o nakapag-maintain na s’ya ng labing-apat na buwan para gantimpalaan siya ng P12,000? Pero dahil ito na ang napagkasunduan walang dahilan para hindi natin matanggap ang halagang P12,000. Pero sana pahalagahan naman natin ang titulong ito–“LOYALTY BONUS”! Para sa akin kasi ‘pag sinabing Loyal kung saan nanggaling ang salitang “Loyalty” dapat tayo ay walang ibang kinahuhumalingan ibang bagay lalo pa’t ito ay direktang katungali nang iyong kinabibilangan o nangangako rin ng parehong benefisyo, dahilan para mamangka tayo sa dalawang ilog. Magbibigay ako sa inyo ng halimbawa; ang Shema ay may Café del Shema. Kung loyal tayo, ni uminom hindi na sana tayo iinom ng ibang kape. Ako ‘pag hindi available ang Café del Shema hindi na lang ako iinom ng kape kahit alukin pa ako nang libre. Pero kung adik ka talaga sa kape sige uminom ka na, nang iba pero ‘wag ka na lang magbenta ng ibang kape. Pero kung talagang mahigpit ang pangangailangan, lalo pa ngayong wala pang Harvest at kikita ka naman sa pagbenta ng ibang kape sino naman ang pipigil sa iyo kaya lang ‘wag naman sa loob nang building ng Shema, ‘yong isa pa nga nakita ko partida nag-aalok ng kape habang nakikinig siya ng devotion. Tapos ang lakas ng loob mag-demand ng “LOYALTY BONUS”?! Meron namang iba na member din ng ibang networking tapos sa loob lang din ng Shema nangunguha ng members. Sa tingin n’yo po ba karapat-dapat sila sa “LOYALTY BONUS”? Baka sila pa nga ‘yong mga pasimuno sa paninira sa Shema eh, kasi para sa kanila kung babagsak ang Shema okay lang tutal meron pa naman silang ibang networking.
Kung hindi na natin mababago ang basehan para makamit ang “LOYALTY BONUS”, sana man lang lagyan natin ito ng magandang kabuluhan sa buhay natin sa pamamagitan ng tunay na pagiging “LOYAL” sa Shema. Naniniwala ako na isa rin ito sa hinihintay ng Diyos na makita sa atin para ibuhos na Niya ang masaganang pagpapala na kanyang ipinangako.



