HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
Character is like a tree and reputation like a shadow. The shadow is what we think of it; the tree is the real thing.
Abraham Lincoln
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Bakit Illegal Ang Pyramiding?’ Category

MAG-INGAT SA PYRAMIDING

BAKIT ILLEGAL ANG PYRAMIDING?
By Arlan B. Laroya

Ang PYRAMIDING ay isang iligal na paraan sa pagkita ng pera dahil ito ay nangangako ng malaking pera sa pamamagitan ng pagre-recruit at magbabayad ng membership fee nang walang kapalit na produkto o kung meron man masyadong mahal ang binayad mo kumpara sa produktong nakuha mo.

Napakaraming itsura o porma na ang Pyramid schemes na ito, at minsan ay mahirap nang malaman kung pyramiding na nga o lehitimong negosyo. Ganun pa man, may mga palatandaan na makikita sa mga ito na makakatulong para masabi na ito nga ay pyramiding na. Anu ano ba ang mga palatandaang makikita para masabi mong ito ay isa na ngang pyramiding scheme. Pangunahin na d’yan ay ang pangakong napakalaking kita na nakabase sa dami ng recruits mo kahit wala masyadong maraming benta ng produkto. Pero minsan din may produkto pero front lang. Dalawang paraan para malaman na pyramiding kahit may produkto, una ay ‘yong tinatawag na “inventory loading” at ‘yong isa ay “lack of retail sales”. Ang “Inventory loading” ay nangyayari kapag ang mga incentives ng mga kasapi ay nakakabit sa kanilang binibili kahit hindi na nila ito pangangailangan at hindi na rin naman nila maibebenta sa sobrang dami at sobrang mahal. ‘Yon namang isang palatandaan ay kung ang mga nasa taas ay malaki ang kinikita kahit wala naman silang masyadong naibebenta, samantalang ‘yong mga nasa baba ay kakarampot lang kahit marami silang naibebenta. Madalas din nilang sinasabi na mabentang mabenta ang kanilang mga produkto pero ang totoo sila-sila lang ang namimili ng kanilang mga produkto at ang totoo nasa recruits pa rin nakasalalay ang kanilang kita.

May isang uri pa ng pyramiding na kung tawagin ay “Ponzi scheme” wala itong binebentang produkto at tuloy tuloy din ang pagre-recruit, wala itong pangakong commission ‘pag nakapagpasok ka ng bagong member. Pero pinapangakuan sila ng malaking tubo o interst sa pera na ipinasok nila, mas malaki ang tubo ng pera nila sa mas maikling panahon. Kumpara sa banko na maliit lang ang kanilang kikitain at mas mahaba ang panahon ang kailangan para kumita ng malaki ang pera. Kaya nila ito nagagawa ay dahil ginagamit nila ang pera ng mga bagong pumasok para ipangbayad sa mga nauna. Pwede nating ituring ito ay pasok sa sinasabing “ginigisa sa sariling mantika.”

Ganyan ang pyramiding at iyan ay bawal kasi hindi ‘yan parehas, ang mga nauna o nasa ibabaw lang ang may malaking chance na kumita at ‘yong mga nasa huli ay malamang wala nang kitain. Dapat nating tandaan hindi tayo makakakuha ng mga kasapi na mas malaki pa sa populasyon ng mundo. Kaya kung ikaw ay nasa hulihan na wala ka nang makukuha pang pwedeng pagkunan ng kita mo.

Paano Hindi Mabibiktima ng Pyramiding?

Iwasan ang pagsali sa negosyo na kumikita lang kapag nakapagdala ka ng bagong member. Mag-ingat din sa mga paraan na para kumita kailangan ikaw muna ang bibili ng produkto nila sobrang mamahal at hindi mo naman talaga pangangailangan. Pag-ingantan din ang sinasabing malaki ang kikitain mo habang lumalaki ang downline mo, imbes na sa pagbibenta ng mga produkto. Iwasan din ang magbenta ng mga kakaibang produkto na halos lahat ng sakit ay kayang gamutin, gayong wala namang napatunayan. Mag-ingat din sa mga patotoo na kumita sila sa pagsali nila ‘yon pala sila ay mga bayaran lang. ‘Wag sumali sa mga negosyo na magbabayad ka pero wala kang makukuhang produkto maliban sa pangako na kikita ka pag nag-recruit ka. Mahalaga ring pag-aralang maigi ang bawat pagkakataon na lumalapit sa iyo at pumasok lamang kung natiyak mong matino ang kaparaanan.

ANG SHEMA AY HINDI PYRAMIDING AT HINDI RIN TRADITIONAL NETWORKING:

Dahil d’yan ay tahasan kong sasabihin na hindi pyramiding at traditional networking ang Shema, gaya ng duda nang ilan, dahil una sa lahat ang Shema ay may mga produkto na matino sa abot kayang halaga. Ikalawa, ang Shema ay walang membership fee at ang mga miembro ay hindi inuobliga na maghakot ng mga bagong recruit para lang kumita at dahil d’yan hindi kami traditional networking. Dahil ang sa traditional networking business ang companya at ‘yong mga tao sa loob ng companya ay kumikita kapag marami silang recruits o downlines.

Ganito kami sa Shema, bumibili lang kami ng mga Shema products para sa aming sariling pangangailangan dahil ang nais ng Shema ay isang MALUSOG AT MAUNLAD NA PILIPINAS. Kapag nagawa naming bumili ng Shema products na nagkakahalaga ng P2,520.00 sa loob ng isang taon o 12 buwan, kami ay nagiging beneficiaries ng foundation. Meron man o wala kaming recruits. Lumalabas na ang aming pagbili ng kanilang produkto ay para lang kaming pagtatanim para mag-ani sa takdang panahon. Dahil ang Biblia mismo ang nagpanukala ng tinatawag ng “SOWING AND REAPING PRINCIPLE”.

At habang patuloy kaming bumibili ng aming produkto sa bawat buwan ay patuloy din na lumalaki ang aming mga benefits mula sa aming foundation.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031