HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
It is literally true that you can succeed best and quickest by helping others to succeed.
Napoleon Hill
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Bakit Kailangan Ng Participation?’ Category

BAKIT KAILANGAN NG PARTICIPATION?

PARTICIPATION
By Arlan Laroya

Minsan ay ininvite ako ng isang kaibigan sa isang pagtitipon sa Cuneta Astrodome, hindi na n’ya sinabi sa akin ang detalye dahil maging siya hindi n’ya alam kung ano talaga ang meron, basta ang sabi n’ya lang may blessing daw. So gaya ng isang pangkaraniwang tao na hindi tumatanggi sa blessing, pumunta naman ako. Pagdating ko doon, ang dami-daming taong nagsisiksikan. Pero nakapasok naman agad ako dahil sinalubong ako nang taong nag-invite sa akin. Marami din akong nakitang kakilala na sobrang excited may isa pa nga nang tanungin ko hindi na nagsalita, sumenyas na lang nang pera. At pumasok na nga kami, blessing din dahil napapwesto pa kami sa malapit sa mga tagapagsalita. Ang gagaling ng mga tagapagsalita mga motivators ang gaganda ng kanilang mga prinsipyo para kumita ng pera. Isa-isa nang ipinakilala ang mga napili nilang leaders, ang binantayan ko lang ay ‘yong naka-assign sa Las Piñas para makausap ko agad.

Iprenesent na nila ang kanilang programa, ayon sa programa nila, kailangan ng isang tao na nagnanais makatanggap ng malaking pera ay maglabas ng $150 bilang tution fee, pero dahil ito ay bahagi ng grand launching nila dito sa Pilipinas, libre ang sasali sa oras na ‘yon. Pero lahat ng kanyang mare-recruit ay magbabayad na ng $150 at doon na siya kikita. Naisip ko kaya kong gawin ‘yon, anyway libre naman sige at kung wala man akong ma-recruit masaya na akong mapag-aralan ang mga ibinibenta nilang lesson materials, principles on how to get rich, kaya pag-uwi na pag-uwi ko kinontak ko agad ‘yong coordinator ng Las Piñas pero hindi ito sumasagot, ipinagtanong ko na s’ya pero talagang hindi na s’ya ma-contact. Malaman-laman ko ayaw na rin pala n’ya at marami sa mga nakita ko doon na kakilala ko ay hindi na rin nagpatuloy. Isa lang ang dahilan, akala daw nila kaya sila nagpunta doon kasi mamimigay ng pera ‘yong nag-invite. Nang malaman nilang kailangan nilang magbayad at mag-recruit nag-ayawan na rin pati mga leaders.

‘Pag naiisip ko ang pangyayaring iyon natatawa pa rin ako, lalo na sa mga pagmumukha ng mga dumalo na sobrang excited na tatanggap ng pera, naimagine ko ang kanilang pagkadismaya.

Alam n’yo po marami pa rin talaga ang ganitong mag-isip. Gusto lang tumanggap pero ayaw magbigay. Gusto ng malaking kita ayaw naman magtrabaho. Gusto ng masaganang buhay ayaw namang magsikap. Gustong mag-ani ayaw namang magtanim.

Ang Shema ay nag-alok ng masaganang kabuhayang at ang tanging “Participation” na hinihingi sa atin ay ang tuloy-tuloy na pagbili ng produkto na nagkakahalaga ng P2,520. Pero alam n’yo ba marami pa rin akong nakakausap—hanggang ngayon at ang kanilang tanong kailangan ba talagang patuloy pa ring bumili? Naisip ko lang, bakit ‘pag ‘yong dating kape kahit nagkakanda nerbyos-nerbyos na tayo bili pa rin tayo ng bili, ni hindi natin inisip na huminto kahit alam natin na minsan masama sa katawan. ‘Yong ilan pa nga ‘pag nag-soft drink parang tubig lang. Kahit alam nilang masama rin sa katawan pero wala silang tinatanong kung dapat bang huminto. Pero ‘pag sa Shema kung kailan nagsimula nang tumanggap ng harvest, loyalty bonus saka maiisip hanggang kailan ba tayo bibili ng products? Nakikiusap ako sa aking kapwa members ‘wag n’yo na pong panghinayangan ang P2,520 n’yo. Lalo pa kung kayo ay nakaabot na sa pang-16 na buwan, kasi kung marunong kayong magkwenta ‘yong ipinangbibili ninyong P2,520 ay hindi na mula sa bulsa ninyo kundi galing na sa Shema, ano pa ang panghihinayangan mo? At habang nagpapatuloy ka mas malaki na ang matatanggap mo at ang nababawas sa iyo ay P2,520 pa rin. Kung nauunawaan mo ang participation mo baka sabihin mo kulang pa pala, sana mas malaki para mas malaki rin ang take home ko. Kaya nga dapat hindi ka lang bumibili sana tumutulong ka rin na ipalaganap ang programa ng Shema.

Bibigyan pa kita ng isang halimbawa, ‘pag ikaw ay natanggap sa trabaho ‘di ba may 6 months probationary period? ‘Yong tinatanggap mong pera d’yan minsan ang tawag pa lang ay allowance. Sa loob ng 6 na buwan sisikapin mong ‘wag maka-absent o makagawa ng hindi ikalulugod ni boss baka hindi ka maging regular. ‘Pag ikaw ay pinalad at natanggap ka ikaw ay regular na! Maliban sa sweldo may mga bunuses, incentives at mga benefits pa. ‘Pag nand’yan ka na sa status na ‘yan mas maluwag na ang kalagayan mo. ‘Pag ikaw ba naging regular hihinto ka na sa pagpasok sa trabaho? Siempre hindi! Lalong mas masarap magtrabaho kasi hindi na lang allowance ang matatanggap mo.

‘Yong anim na buwang probationary period, sa Shema ‘yan ‘yong unang 12 months, ang tanging napapala mo ay ‘yong binili mong products. ‘Pag naka pang-14 ka na dahil regular ka na n’yan may bonus ka na, ‘pag nakaabot ka naman sa pang-16 na buwan, ito na ang magkakasamang sweldo, incentives at benefits. Pero ang lahat ng ‘yan gaya ng isang nagtatrabaho ikaw ay papasok sa office para gampanan ang iyong mga tungkulin. Kung ikaw ay hindi na papasok malamang hindi ka sumuweldo o ‘pag minalas-malas ka pa baka tuluyan ka nang matanggal sa trabaho. Sa Shema ay may ganon ding prisipyo. Ang pinakatrabaho mo o pasok mo sa office ay ‘yong P2,520, ‘pag hindi ka bumili ng produkto ibig sabihin isang buwan kang absent kaya isang buwan kang walang sweldo. Kaya ang tanong na dapat ba tuloy-tuloy akong bibili ng products? Siguro naman alam mo na ang sagot!

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031