HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
Nothing is predestined: The obstacles of your past can become the gateways that lead to new beginnings.
Ralph Blum
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Bakit Kailangan Ng Participation? Part2’ Category

BAKIT KAILANGAN NG PARTICIPATION? PART2

PARTICIPATION PART 2
By Arlan Laroya

Noong una kong marinig ang pahayag na ito, “Wala nang libre sa mundo!” aminado ako na hindi ko rin agad ito naunawaan. Kasi inisip ko LIBRE ang kaligtasan na bigay ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, pero habang iniisip ko ito nakita ko na ang pahayag ay totoo. Wala nang libre sa mundo! Kung meron man kasi may ibang nagbayad o may nanglibre, lahat ay may katumbas na halaga. Ang kaligtasan ay libre kasi may nagbayad na—si Jesus!

Pero parang hindi pa rin ito tanggap ng maraming Filipino, marami pa rin sa atin ay naghahangad makalibre sa maraming bagay, minsan parang may responsibilidad pa ang mga maykaya para ilibre sila, na kapag hindi sila inilibre ang lumalabas pa sila ang maramot o kuripot. ‘Wag n’yo pong masamain ang nais kong iparating sa inyo. Hindi ko po sinasabing masama ang makalibre kung meron naman talagang manglilibre, ang nais ko lang pong sabihin ay ‘wag nating iasa sa libre ang buhay natin na kapag walang nanglibre o nagbigay ay hindi na natin gagawin ang isang bagay na mahalaga para sa ating kinabukasan.

Subukan n’yo pong tingnan ito ng malaliman, pangkaraniwan na sa ating pagkaunawa na ang Foundation ay itinatag para magbigay ng tulong sa mga piling tao na sakop ng kanilang dahilan bakit sila naitatag. Tama po ‘yan! Nariyan sila talaga para tumulong! Ang hindi natin alam sila ay hindi basta-basta tumutulong sa mga taong hindi karapat-dapat at hindi handang mag-“Participate”. Halimbawa ang isang scholarship foundation alam n’yo ba na hindi lahat ng estudyante tutulungan nila? Kundi ‘yon lamang mga batang nais mag-aral at kayang mag-maintain ng mataas na grades. Ang tawag d’yan ay “Participation” kasi nga naman kahit ipagduldulan mo sa kanila ang tulong mo kung una sa lahat ang estudyante ay ayaw mag-“participate” mauuwi lang lahat sa wala. Ang Gawad Kalinga at Habitat for Humanity na mga foundations na namimigay ng bahay. Pero alam n’yo ba na hindi sila basta-basta “namimigay” ng bahay? Sinusuri muna nilang maigi ang bawat pamilya na pinagkakalooban nila ng ng pabahay. Lingid sa ating kaalaman marami na rin sa mga umasa ng bahay sa kanila ay hindi napagbigyan dahil hindi sila pumasa. Dito sa lugar malapit sa amin may pabahay ang Gawad Kalinga ang mga nabigyan ng pabahay ay kailangan magpa-member muna sa isang samahan na siyang mangangasiwa para matulungan sila ng Gawad Kalinga, kailangan din nilang magbayad, na noong una ay pinagdudahan at pinanghinayangan din nila, ganon pa man may mga nagpatuloy pa rin. ‘Yong mga hindi na nagpatuloy walang nakuhang bahay at ‘yong mga nagpatuloy may bahay na ngayon. Ano ang “participation” nila? Una dapat kang magbayad ng dues sa kanilang local na samahan, ‘pag na-approved na, ikaw ay tutulong sa pagtatayo ng bahay mo, ‘pag tapos na at nakalipat ka na kailangan mong magbayad buwan-buwan hanggang matapos ang utang. ‘Yan ang “participation” kung ayaw nila ‘yan simple lang i-surender nila ang bahay sa nagbigay, para maibigay sa iba na handang mag-“participate”!

Punta naman tayo sa Shema, ito ang dahilan kung bakit may P2,520 na monthly maintainance, kasi dapat may “participation” dahil ‘yan ang tamang takbo ng programa. Kung gusto mo ng masaganang buhay kahit paano dapat may efforts ka, kung gusto mo ng masaganang ani dapat magtanim ka rin, kung gusto mo ng ginhawa sa buhay dapat handa ka ring mag-sacrifice para makamit mo ang ginhawang gusto mo. Kailangan at napakahalaga talaga ng “participation” para tumakbo ang programa nang naaayon sa hinihingi nito.

Sana kung darating ang pagkakataong matutukso kayong questionin uli ang dahilan kung bakit kailangang bumili ng mga produkto buwan-buwan lagi ninyong isipin hindi pwedeng tatanggap na lang tayo nang walang “participation”. Ang P2,520 buwan-buwan ay kailangan pakawalan para matanggap mo ang mas malaking pagpapala na nakalaan sa mga makikibahagi sa program ng Shema.

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031