HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
You can't expect abundance to work in just one direction. If the tide only came in we would all drown.
Unknown
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Hindi Hadlang Ang Kahirapan’ Category

HINDI HADLANG ANG KAHIRAPAN

WALANG MAHIRAP SA GUSTO
By Arlan Laroya

Marami-rami na rin akong nakausap tungkol sa Shema, may mga naniwala agad kaya nagpasya ring pumasok agad. Meron namang hindi masyadong naniwala pero pumasok pa rin. Meron namang naniwala at gusto nang pumasok pero wala naman daw pera at may ilang naniniwala daw pero hindi muna pumasok dahil sa iba’t-ibang dahilan. Pero ang nakakalungkot meron talagang hindi naniniwala kaya ni ang makinig ay ayaw. At sa tingin ko marami-rami pa akong makakausap sa darating na panahon na may iba’t-iba rin kwento.

Gusto ko sanang bigyang pansin o sagutin ang mga hindi pa pumapasok (sana magbago pa ang kanilang pasya matapos nila itong mabasa). Para doon sa mga hindi makapasok-pasok kasi wala raw pera o kulang ang pera para makabili buwan-buwan. Ang masasabi ko lang siyasatin ninyong maigi ang inyong mga pinagkakagastusan, bago kayo magsabi na wala kayong pera. Tingnan ninyo ang inyong pangangailangan at ang inyong luho. Ang pangangailangan ay ‘yong mga bagay na hindi kayo mabubuhay pag nawala ang mga ito. Halimbawa: Pagkain, tirahan, damit. Luho naman ay ‘yong mga bagay na kahit mawala sa inyo ay mabubuhay pa rin kayo. Halimbawa: madalas na pagkain sa labas, mga junk foods, soft drinks, maluhong tirahan at mamahaling gamit, signatured na kasuotan o sobrang dami ng damit, cellphone load, bisyo gaya ng sigarilyo, alak iba pang tulad nito. Kung maaalis mo lang ang mga luho na ‘yan wala nang dahilan para hindi mo makaya ang P2,520/buwan. Alam n’yo ba na marami sa mga nasabihan ko na nang tungkol sa Shema ay nahihirapan na rin sa buhay nila? At gusto na rin nilang maiba ang takbo ng buhay nila, gusto na nilang guminhawa ang kanilang kalagayan, gusto na nilang makalaya sa kahirapan. Ang problema ayaw naman nilang ibahin ang uri ng kanilang pamumuhay lalo na tungkol sa paggastos ng pera.

Alam n’yo ba kahit walang Shema kailangan pa rin nating gawin ang ganitong pamamaraan para makaahon tayo sa kahirapan? Lalo lang gumanda ngayon kasi may Shema na! Kasi may paglalagyan ka na ng mga matitipid mo na siguradong malaki ang magiging pakinabang mo. Noon kasing wala pa ang Shema kahit may naipon kang 2,520 bawat buwan hindi ‘yon magiging sapat kung ‘yon lang ang aasahan mo sa lumalaking pangangailangan mo. Kahit ibanko mo pa ‘yon hindi pa rin ‘yon sasapat kasi maliit lang ang tubo sa banko. Ang mangyayari lang magtitipid ka at makakaipon ng P2,520 at dahil wala namang Shema, ‘yong natipid at naipon mo at gagastusin mo lang rin. Bale na-delay lang ang paggastos. Pero ‘pag bumili ka ng produkto ng Shema, ikaw ay nagiging MEMBER, BUSINESS PARTNER AT BENEFICIARY. At ‘pag tuloy tuloy mo itong ginawa hanggang makaabot ka ng labing 12 buwan. ‘Pag nangyari na ‘yan, ikaw ay QUALIFIED na sa mga pagpapala. Konting tipid masaganang pagpapala ang kapalit. Tandaan mo ‘yong kasabihang, “PAG GUSTO MAY PARAAN, ‘PAG AYAW MAY DAHILAN.”

Para naman doon sa hindi naniniwala, ni ang makinig ayaw, ang masasabi ko lang, “Sayang hindi n’yo man lang nabigyan ng pagkakataon ang sarili ninyong malaman kung ano ang nakapaloob sa programa ng Shema.” ‘Di bale habang hindi pa dumarating ang 2016 o habang wala pa sa 9 milyong Filipino ang nakakapasok at habang may buhay may pag-asa pa naman kayong pumasok.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031