Archive for the ‘Ang Shema Sa Gitna Ng Kaguluhan’ Category
SHEMA SA GITNA NG KAGULUHAN
PAGPAPALA SA KABILA NG KAGULUHAN
By Arlan Laroya
Simula nang sumiklab ang kaguluhan sa Egypt ay nakaramdam na tayo ng pangamba para sa mga manggagawa natin doon, marami-rami ring nag-uwian na para makaiwas sa gulo. Salamat sa Diyos at madali rin namang natapos ang gulo doon. Kaya lang hindi pa bumababa ang mga alikabok sa natapos na gulo, sumiklab naman ang gulo sa mga karatig na bansa at may mga nabubuo pang gulo kasunod nito, kung saan marami ring kababayan natin ang nagtatrabaho doon at ang pinaka matindi sa ngayon ay ang mga pangyayari sa Libya, dahil nagmamatigas ang pinapatalsik na pinuno na umabot na sa putukan na hindi nangyari sa Egypt. Kaya ‘yong inaakalang maliit na kaguluhan na maaaring matapos nang mapayapa ay naging mapanganib sa mga kababayan nating nagtatrabaho doon.
Sa ngayon ay patuloy ang pagdagsa ng mga kababayan nating nagtatrabaho doon para umuwi nang hindi na maipit pa sa gulo. Marami-rami na rin ang nakauwi pero mas marami pa rin yata ang stranded. Sa mga nakauwi na kahit paano ay bawas na ang pangamba na sila ay madamay sa gulo, pero hindi pa rin lubos ang kanilang kaligayahan dahil maraming nawala sa kanila. Nawala ang kanilang mga trabaho na pinagkukunan ng kanilang kabuhayan, nawala ang mga mahahalagang gamit na hindi na nila nabitbit sa pagmamadali at nawala ang pag-asa na makapag-uwi ng pasalubong sa mga mahal sa buhay dahil maging ang mga dala nilang pera ay halos hindi mapalitan o limitado lang ang halagang papalitan. Marami pa rin sa kanila ay wala talagang dalang pera dahil maliban sa maliit ang sweldo, walang ipon at ‘yong iba naman ay nagsisimula pa lang magbayad sa mga utang na iniwan dito para makapunta doon. Isa pang kakaharapin nilang problema ay ang kawalan ng pagkukunan ng kabuhayan habang hindi pa sila nakakabalik o nakakalabas ng bansa. Paano pa ‘yong nangutang na para makaalis patungo doon, pero hindi pa makakaalis sa ngayon? Malaking problema din ‘yon! Apektado na rin ang buong bansa sa mga pangyayari na ‘yan dahil lalong may dahilan para tumaas ang mga bilihin, pamasahe at iba pa habang ang mga sweldo ay hindi.
Gusto ko sanang muling katukin ang inyong puso. Kung nabasa na ninyo ang iba kong artikulo tungkol sa mga OFW sinabi ko doon na, “..ang inyong kalagayan diyan sa bansang inyong pinatatrabahuan ay PANSAMANTALA lamang…” Ang pangyayaring ito sa Libya ay isa lamang sa patunay kung gaano katotoo ang mga sinabi ko. Kung hindi pa tayo magpapasya para pumasok sa SHEMA ngayon bilang paghahanda sa ating kabuhayan sa kinabukasan, ngayon habang may pagkakataon pa baka magulantang na lang tayo na isa na tayo sa mga inililikas, nangangamba para sa kaligtasan, nangangamba rin sa kabuhayan dahil wala nang trabaho at wala ring ipon, hindi tiyak kung kailan muling makakabalik o makakakuha ng magandang trabaho.
Maaari din nating tingnan ang mga pangyayaring ito gaya ng isang talinhaga. Ang SHEMA ay ang mensahe ng Diyos na dapat nating marinig at paniwalaan para matanggap ang pagpapalang laan para sa atin at ang kaguluhan ay ang ating kalagayan sa buhay kasama na ang lahat ng hadlang para matanggap ang mga pagpapalang alok ng Diyos. ‘Di hamak na kailangan natin ngayon ang pagpapala ng Diyos para makaraos dahil matindi at lalo pang titindi ang kaguluhan.
Para sa akin ang SHEMA ay maituturing na pagpapala sa gitna ng kaguluhan, dahil kahit hindi ako nag-aabroad ako ay tumatanggap ng buwanang pensyon na hindi bababa sa P14,400.00. Salamat sa Diyos may SHEMA!!!
Click here to COMMENT



