HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
Success is getting what you want. Happiness is wanting what you get.
Dale Carnegie
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Kalooban Ng Diyos Na Pagpalain Tayo’ Category

KALOOBAN NG DIYOS NA PAGPALAIN TAYO

BUHAY NA MASAGANA
By Arlan Laroya

“…I came that they may have life, and have it abundantly.” – Jn.10:10 (NASB) Isa lamang ito sa napakaraming verses sa Bible na nagsasabi na ang buhay sa piling ng Diyos ay masagana, na ang Diyos ay may sobra-sobrang kakayahan para payamanin ang Kanyang mga mananampalataya, na ang pagyaman ay isa sa mga katangian ng tunay na nagtitiwala sa Diyos, bagaman hindi ko itinatanggi na may mga mananampalataya na dumaranas din kahirapan o minsan mas ay matindi pang kahirapan. Pero gusto kong tingnan natin ang buhay Cristiano na buhay na masagana, bagaman may kahirapan pa ring nararanasan. Na ang kahirapan ay hindi na ang ating tunay na katangian. Na tayo ay masagana na dahil pinasagana na tayo ng Diyos. Na ang kahirapan ay hindi na normal na pamumuhay ng mga Cristiano. Na ginawa na ng Diyos ang Kanyang bahagi para makamit natin ang buhay na masagana na laan Niya sa lahat ng mananampalataya sa Kanya. Siguro ay kaisa ko kayo na magsasabi na ang Diyos ay hindi sinungaling para mangako tapos hindi naman pala totoo. Hindi lang sa hindi Siya sinungaling kundi ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, kaya N’yang gawin ang lahat ng bagay ng walang kahirap-hirap kahit imposible ay posible sa kanya, kaya dahil doon ay walang dahilan para hindi Siya makatupad. Alam n’yo ba na maging ang mga hindi naniniwala sa Diyos o hindi pa nananampalataya sa Diyos (gaya natin noon) alam na mayaman ang Diyos at isa sa gustong gawin ng Diyos ay pasaganahin tayo? Bakit ko ‘yan nasabi? Tingnan ninyo ito, ilang beses na tayong kinutya tungkol sa ating kahirapan sa tuwing sinasabi nating anak tayo ng Diyos? Ibig sabihin, alam din nila na dapat pag ang isang tao ay anak na ng Diyos dapat gumanda na ang takbo ng buhay n’ya. Ilang beses na rin nating narinig na ikinumpara tayo sa ibang relihiyon dahil mayaman sila o ‘yong mga myembro nila tapos tayo hindi? Kaya kung Cristiano ka tapos balot ka pa rin ng kahirapan mag-isip-isip ka, ano ba talaga ang nangyayari? Kasi naparito na ang Panginoong Jesus para bigyan ka ng buhay na masagana. Talaga bang tumanggap ka na? Noong tumanggap ka, pinaniwalaan mo ba na pagpapalain ka ng Diyos? Noong pinaniwalaan mo iyon sumunod ka ba sa pamamaraan at kalooban ng Diyos  para managana? May iba ito na lang ang sinasabi, “Ang mahalaga ay ligtas na ang aking kaluluwa, hindi ko na kailangan ang kayamanan ng sanlibutan.” ‘Yong iba nga sinasabi pa hindi na nila kailangan ng pera basta may pananampalataya. Pero sa kanilang kahirapan ni hindi na maka-attend sa church kasi walang pamasahe. Hindi na rin siempre makapag-tithe at makapag-offering. Hindi ko sinasabing ang pagiging mahirap ay kasalanan pero ang tanggapin na ang kahirapan ay normal lamang sa mga anak ng Diyos at ito ay bigay ng Diyos sa kanila ay isang malaking pagkakamali dahil malinaw sinabi ng Panginoong Jesus na naparito siya para bigyan tayo ng buhay na masagana. Kaya kung ikaw ay mananampalataya at hindi sumagana ang buhay mo may mali sa buhay mo na kailangan mong baguhin Sa “Parable of the Talents” ay ipinahayag na ang bawat isang katiwala ay pinagkatiwalaan ng mga kaloob ayon sa kanilang kakayahan, sa iisang dahilan, ang ito ay palaguin para ang katiwalang gagawa nito ay mananagana at pagkakalooban pa ng higit sa una niyang natanggap. Ang kwento ay may elemento ng pagpapayaman at ‘yong isang hindi nagpayaman sa kayamanang kanyang natanggap ay pinarusahan pa nga ng kanyang panginoon. Kung isa ka sa tatlong katiwala sino ka doon? Dahil sa kasalanan tayo ay dumaranas ng kamatayan, karamdaman at kahirapan (poverty) ang mga ito ay itinuturing na sumpa. Kung ito ay sumpa, ito ay pabigat sa sinumang namumuhay sa ilalim nito. Ngunit ito ang mabuting balita, winasak na ng Panginoong Jesus ang sumpa na dulot ng kasalanan kaya maaari na nating mapagtagumpayan ang mga sumpa na ‘yan. Kung tatanungin kita ano ang gusto mo, mamuhay sa kasaganahan ng Diyos o manatili sa sumpa ng kahirapan? Siguro naman hindi na kailangan na maging matalino pa para malaman ang mas mainam na sagot. Pero sa mga sasagot na mas gusto ang manatili sa kahirapan ay hindi ko na aabalahin pa, itigil n’yo na ang pagbabasa, kasi itong binabasa ninyo ay artikulo para sa gusto nang makawala sa sumpa ng kahirapan at makapamuhay na sa kasaganahan ng Diyos. Ako po ay naniniwala na ang Diyos sa Kanyang katalinuhan at kapangyarihan ay nagbigay ng kakayahan at paraan sa mga tao para matupad ang sinabi Niyang buhay na masagana at ito ay sa pamamagitan ng  Shema pero hindi ko sasabihing ang Shema ang namumukod tanging paraan para tayo ay makawala na sa sumpa nang kahirapan at makapamuhay na sa kasaganahan ng Diyos. Dahil alam ko rin naman na marami pang iba na pwedeng gamitin ng Diyos para mangyari ang pag-unlad ng ating buhay. Sana kung may iba kayong alam liban sa Shema ay ibahagi n’yo rin nang makatulong sa marami pa nating mga kababayan na hanggang ngayon ay naghihirap. Ano po ba ang meron ang Shema para sabihin kong ito ay instrumento ng Diyos para matupad Niya ang kanyang sinabing, naparito siya para magkaroon tayo ng buhay na masagana. Kasi ang Shema ay may sapat na pera para ipamahagi ng maayos at naaayon sa batas sa 9M Filipino na maninilawa sa programa, May mga tagapamahala (o mga katiwala na mapagkakatiwalaan) na may takot sa Diyos, may maayos na programa mula sa pagsali, pagkunsumo ng mga produkto, pagtanggap ng mga benepisyo at pag-involve sa pagbibigay luwalhati sa Diyos. Dahil ang programa ng Shema ay naglalayon na ang bawat isang Filipino na maniniwala ay maging malusog, masagana ang buhay at mapalapit sa Diyos na pinagmulan ng lahat ng ito. Sa mga panahon na ang Shema ay nag-o-operate, patuloy na dumarami ang mga naniniwala at sumasali dito, marami nang nakakatanggap ng monthly harvest na hindi bababa sa P14,400.00, nagsimula noong March 11, 2010 ay may 400 ang nakatanggap ng certificate of entitlement para sa pabahay at parami pa rin ng parami, pinayagang makapag-open ang mga qualified members ng account sa BDO at UCPB nang walang idenepositong pera galing sa sariling bulsa, noon 2nd Anniversary may 3 brand new Toyota Vios at cash ang ipina-raffle ni walang ticket na pinagbili para makasali kundi sapat na ‘yong ikaw ay makibahagi sa programa. At ngayon 3rd Anniversary 3 magkakahiwalay na celebration sa 3 lugar Davao, Cebu at Metro Manila at 4 brand new Toyota Vios, 20 laptops, 60 cellphones at cash. Lahat ‘yan ay dahil sa maayos na pamamahala ng mga itinalaga ng Diyos. Sobra akong naniniwala at umaasa sa KALOOBAN NG DIYOS NA PAGPALAIN TAYO. Kung sasali ka sa Shema pwedeng matupad sa iyo ang kalooban ng Diyos na pagpalain ka at gawing masagana ang buhay mo. Pero kung ayaw mo wala namang makakapilit sa iyo pero sana ‘wag ka na lang magsalita ng anumang laban sa iba ang paniniwala sa iyo lalo na ‘yong hindi mo pa lubos na nauunawaan at doon sa mga naghahangad na mabigay ng tulong sa mga nangangailangan. Pagpalain tayong lahat ng Diyos!

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031