HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
You cannot dream yourself into a character: you must hammer and forge yourself into one.
Henry D. Thoreau
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Kalusugan’ Category

CANCER CELLS ANO ITO?

ILANG MAHAHALAGANG KAALAMAN SA CANCER CELLS

  1. Ang bawat tao ay may cancer cells sa katawan. Ang mga cancer cells na ito ay hindi nakikita ng mga pangkaraniwang tests malibang ito ay dumami na sa ilang billion. ‘Pag sinabi ng doctor na, “Wala ng traces ng cancer ang pasyente.” Pagkatapos ng treatment, ang ibig lang sabihin n’yon, hindi nakita ng tests ang mga cancer cells kasi hindi sapat ang kaniyang bilang para makita ng tests.
  2. Ang pagdami ng cancer cells sa katawan ay nangyayari mga 6 hanggang 10 beses sa buhay ng isang tao.
  3. Kung malusog o malakas ang immune system ng isang tao, makakaya nitong puksain ang cancer cells bago pa man ito dumami.
  4. Kapag may cancer ang isang tao madalas ito ay may kinalaman sa kakulangan ng kanyang nutrition, dahil marahil ipinanganak siyang may ganitong pangangatawan, dahil sa kanyang kapaligiran, mga kinakain o hindi kinakain at uri ng kanyang pamumuhay. Para mapunuan ang kakulangan sa nutrition kailangan niyang isaayos ang kanyang mga kinakain, dami ng kinakain at paraan ng pagkain. Kasama na riyan ang pag-inom ng mga food supplements na nagpapalakas ng immune system.
  5. Ang chemotherapy naman ay paraan upang masugpo ang mabilis na pagdami ng cancer cells sa katawan sa pamamagitan ng paglason sa mga cancer cells. Kaya lang kasabay ng pagpuksa sa mga cancer cells ay napupuksa din ang pagdami ng mga malulusog na cells ng ating katawan na nasa ating utak sa buto (bone marrow) at tiyan (gastrointestinal tract) at ito ay malakas makasira ng mga organs, tulad ng atay, bato, puso, baga atbp.
  6. Ang radiation treatment naman ay paraan ng pagsunog ng cancer cells sa pamamagitan ng pagtapat ng high-energy rays sa lugar na may cancer, pero ito’y nag-iiwan ng peklat at nakakasira din ng sa mga malulusog na cells, tissues at organs.
  7. Ang minsang paggamit ng chemotherapy at radiation treatment, ay nakakapagpaliit din ng tumor o bukol sanhi ng cancer. Subalit ang mahabang paggamit ng ganitong paraan at hindi kasiguruhan ng pagreresulta sa pagpuksa sa tumor o bukol sanhi ng cancer.
  8. Kapag ang katawan ay masyadong na-exposed sa toxic burden mula sa chemotherapy at radiation ang immune system ay nahihirapan o unti-unting nasisira, kaya ang pasyente ay tinatamaan din ng iba’t-ibang infection at komplikasyon.
  9. Ang chemotherapy at radiation minsan ay nagiging sansi ng pagbabagong anyo ng mga cancer cells, dahilan para lalong maging matibay ang mga ito laban sa maraming gamot. Mapanganib din minsan ang operasyon dahil pwede itong maging dahilan ng pagkalat ng cancer cells sa ibang bahagi ng katawan ng pasyente.
  10. Ang pinakamainam pa ring panglaban sa pagdami ng cancer cells ay ang gutumin ang mga ito sa mga pagkaing magiging dahilan ng kanilang mabilis na pagdami.
  11. Ang karne ito ay maprotina ito ay mahirap matunaw sa loob ng tiyan, kaya kailangan pa ng maraming digestive enzymes para tunawin ang mga ito. Dahil ang mga pagkaing hindi natutunaw na nananatili sa loob ng tiyan ay nabubulok at nagiging parang imbak na lason sa katawan.
  12. Ang pinaka-shell o balot ng cancer cell ay matigas dahil sa protina, na nakukuha sa mga karne. Kaya ang pag-iwas sa pagkain ng mga karne, nakakaroon tayo ng mas marami enzymes sa loob ng katawan na maaari nating magamit sa pagbasag ng shell o balot ng cancer cells.
  13. Ang cancer ay isang sakit ng isip, katawan at espiritu. Ang masayahin at positibong pamumuhay ay malaking tulong sa pagpuksa sa sakit na cancer. Ang galit, sama ng loob, hindi pagpapatawad at puot ay nakaka-stress at nakakasira ng katawan. Dapat tayong magmahal at magpatawad. Matuto din tayong mag-relax at magsaya.
  14. Ang cancer cells ay hindi tumatagal sa maaliwalas na kapaligiran (oxygenated environment). Ang pag-eehersisyo at paghinga ng malalim ay malaking tulong para sumagap ng maraming oxygen. Ang oxygen therapy ay isa ring mabisang pamuksa sa cancer cells.
  15. Maraming food supplements ay may mga ganitong sangkap; Bentonite Clay, Probiotics, Natural Fiber Blends, Agaricus Blazei Murill (God’s Mushroom), Grape Seed Extract, Spirulina (The Super Food) at Co-Enzyme Q10 (Co-Q10) ay nalikha para palakasin ang ating immune system, upang ang ating katawan na mismo ang lalaban sa mga cancer cells. Ang mga mahahalagang sangkap na ito ay nasa mga produkto ng mga Shema na Café del Shema, Choco de Shema, Red tea del Shema at Daily Actifiber del Shema.

Click here to COMMENT

ANG TAMANG PAGKAIN NG PRUTAS

ANG TAMANG PAGKAIN NG PRUTAS

ANG PRUTAS ANG PINAKAMAHALAGANG PAGKAIN. Kaya marapat lamang na kainin ito ng tama upang mapakinabangan ito ng maigi ng ating katawan.

Kapag ang prutas ay kinain mo ng may laman na ang iyong tiyan, ang prutas ay papatong lamang sa mga nauna mo nang kinain hindi ito makakadiretso kaagad sa bituka kung saan siya nararapat mapunta. At kapag napahalo na ang prutas sa nabubulok na pagkain, nafe-ferment ito at nagiging acid, doon ang lahat ng laman ng tiyan mo ay nasisira na.

Siguro ay naranasan n’yo na, na sa tuwing kumakain kayo ng prutas sa twing matatapos kumain bilang panghimagas ay napapansin ninyo na dighay kayo ng dighay at parang biglang lumaki ang tiyan mo dahil sa hangin o bigla-bigla kang nakaramdam ng pagdumi at iba pa. Sa totoo lang hindi n’yo ito mararanasan kung kinain ninyo ang prutas habang wala pang laman ang inyong tiyan. Kapag may laman na ang inyong tiyan, ang kinain ninyong prutas ay hahalo sa mga nabubulok nang pagkain na nasa loob na ng inyong tiyan, kaya ito ay lumilikha ng hangin at doon makakadama ka ng pagbigat ng tiyan dahil sa hangin.

Ayon sa ilang experto ang pagputi ng buhok, pagkapanot, pagkanerbyoso at pangingitim ng paligid ng mata ay hindi mararanasan kung kinain ang prutas ng wala pang laman ang tiyan.

Maraming nagsasabi na ang mga prutas na maaasim tulad ng orange, dalandan atbp ay acidic, hindi po iyon totoo dahil ang lahat ng prutas at nagiging alkaline kapag pumasok na sa ating katawan, ayon ito kay Dr. Herbert Shelton na nagsagawa ng pagsasaliksik tungkol dito. Kapag nasanay tayong kumain ng prutas sa tamang paraan, para na rin nating nakuha ang susi ng sekreto ng kagandahan, sekreto ng mahabang buhay, sekreto ng kalusugan, sekreto ng kalakasan, sekreto ng kaligayahan at sekreto ng tamang timbang.

Kung iinom tayo ng fruit juice – dapat fresh juice, hindi ‘yong de lata. ‘Wag kang iinom ng juice na dumaan sa init o apoy. Hindi rin dapat lutuin ang prutas dahil mawawala ang bitamina nito. Ang makukuha mo lang ay ang lasa pero wala na ang bitamina.

Subalit mas mainam pa ring kumain ng prutas kaysa uminom ng juice nito. Sakaling iinom ka ng juice dapat mapuno ang iyong bibig nito at dahan-dahan lang ang paglunok kasi mahalagang maghalo muna ang juice at ang laway mo bago mo ito lunukin ng tuluyan. Maaari ka ngang mag-prutas lang sa loob ng tatlong araw at makikita mo na lalo kang magiging maganda at malusog.

KIWI: Maganda itong pagkunan ng potassium, magnesium, vitamin E & fiber. Ang vitamin C nito doble ng sa orange.

APPLE: Bagaman mababa lang ang taglay nitong vitamin C, meron naman itong antioxidant at flavonoids na nagpapaganda ng trabaho ng vitamin C, sa ganon ay nakakatulong sa pagpapababa ng panganib sa colon cancer, heart attack at stroke.

STRAWBERRY: Protective Fruit. Ang mga strawberries ay nagtataglay ng pinakamalakas na antioxidant laban sa cancer at pagbabara ng dugo sa ugat gawa ng free radicals, kumpara sa halos lahat ng ibang prutas na alam natin.

ORANGE: Sweetest medicine. Ang pagkain ng 2-4 na oranges bawat araw ay makakatulong para hindi tayo magkaroon ng sipon, pambababa ng cholesterol, pagpigil at pagtunaw ng kidney stones at maging tulong para hindi mag-colon cancer.

WATERMELON: Coolest thirst quencher. Nagtataglay ng 92% ng tubig, meron din itong pinakamayamang dami ng glutathione, na makakatulong sa pagpapalakas ng ating immune system. Pinanggagagalingan din ito ng lycopene — isa ring antioxidant. Ang iba pang bitamina na matatagpuan sa watermelon ay vitamin C at Potassium.

GUAVA & PAPAYA: Top awards for vitamin C. Ito ang pinakapanalo pagdating sa taglay na vitamin C mayaman din ito sa fiber, na tumutulong sa hindi pagkadumi. Ang Papaya naman ay mayaman sa carotene; mainam sa mata.

BANANA: Nagtataglay ng vitamin B6 para ayusin ang antas ng blood glucose, mataas ang iron, kaya nitong pasiglahin ang paglikha ng hemoglobin sa dugo natin para maiwasan ang anemia. Nagtataglay ng maraming Potassium at mababa ang salt kaya magandang pang regulate ng blood pressure.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031