Archive for the ‘Magpakadalubhasa Ka!’ Category
BAKIT KAILANGANG MAGPAKADALUBHASA?
MAGPAKADALUBHASA KA!
By Arlan Laroya
Minsan ay may kausap akong isang member ng Shema na ako ang nakapag-akay. Marami siyang tanong na magiliw ko namang sinagot dahil alam ko na malaki ang maitutulong niyon sa kanya ‘pag naunawaan na niya ang lahat. Sa takbo ng aming pag-uusap ay nabanggit ko sa kanya na, “Magpakadalubhasa ka sa Shema!” Medyo nangiti siya nang marinig niya iyon na parang minaliit n’ya ang sinabi ko, akala n’ya rin siguro ay nagbibiro ako. Kaya inulit kong sabihin na may dagdag na kaseryosohan. “Magpakadalubhasa ka sa Shema!” kasunod niyon ay ang paliwanag kung bakit ko sinabi ‘yon.
Sabi ko, “Isipin mo ito, sino o anong profession sa mundo ang sumusweldo ng P300K buwan-buwan” Sabi n’ya, “Artista, doktor, abogado o piloto…” Sabi ko naman, “Tama at mali ang sagot mo” Tama kasi marami sa nabanggit mo ay pwedeng maabot ang sweldo na P300K buwan-buwan. Mali, kasi hindi naman lahat ng artista, doctor, abogado o piloto ay kumikita ng P300K buwan-buwan, kundi ‘yon lamang mga sikat na artista at mga dalubhasang doctor, abogado o piloto. Alam mo ba kung paano ang isang doctor, abogado o piloto ay nagiging dalubhasa? Nagiging dalubhasa sila dahil habang nagpa-practice sila ng kanilang profession ay gumagastos pa sila para sa dagdag na kaalaman, ang ilan pa nga ay nagpupunta sa ibang bansa para doon mag-aral. Gumugugol sila ng malaking pera at mahabang panahon para maging dalubhasa.
Sabi ko sa kanya, “Alam mo ba sa Shema lampas pa sa P300K buwan-buwan ang pwede mong matanggap?” Kaya kung ang isang doctor, abogado o piloto ay sumusweldo na ng P300K buwan-buwan ibig sabihin hindi na s’ya pangakaraniwang doctor, abogado o piloto kundi siya ay isa nang DALUBHASA! Kaya marapat lamang na magpakadalubhasa tayo sa ating pagiging isang member ng Shema kasi hindi masasayang kung anuman ang mga efforts na ibibigay mo para lumalim ang iyong kaalaman. ‘Wag tayong makontento sa konting kaalaman, lagi tayong makinig at sumunod, doon ay pwede tayong maging dalubhasa.
Click here to COMMENT



