Archive for the ‘Mahirap Paniwalaan Pero Totoo’ Category
MAHIRAP PANIWALAAN PERO TOTOO
“TOO GOOD TO BE TRUE!”
By Arlan Laroya
“TOO GOOD TO BE TRUE!” – Ito ay pangkaraniwang pananaw o sinasabi ng mga tao sa isang bagay na mukha namang maganda ang iniaalok pero, dahil sa sobrang ganda pinagdududahan na tuloy ang nilalaman o kabuuan ng programa. “TOO GOOD TO BE TRUE!” – Ibig ding sabihin ay maganda pero baka sa sobrang ganda ay may mga nakatagong kalokohan na sa bandang huli ay lalabas na ikaw pa ang nabiktima. Ilan pa sa mga kahulugan nito ay, hindi na kapanipaniwala, hindi na makatotohanan, sa sobrang ganda parang imposible nang mangyari.
Nagkaroon ako nang interest na tingnan sa mas malalim na paraan ang mga salitang ito dahil madalas ko rin itong marinig sa tuwing ibinabahagi ko ang tungkol sa “Shema”. Ayon kasi sa programa ng Shema, ang isang tao ay kailangan lang bumili ng produkto ng Shema na nagkakahalaga ng P2,520.00 bawat buwan, ‘yong unang 14 buwan ay kailangan makumpleto muna, para matanggap niya ang ipinangakong loyalty bonus na nagkakahalaga ng P12,000.00 at mula sa ika-16 na buwan ay magsisimula na siyang tumanggap ng monthly pension o harvest kung patuloy pa siyang bibili ng produkto, sa unang taon ng harvest ay tatanggap siya ng P14,400.00 bawat buwan, at sa ika-29 na buwan ay tatanggapin naman niya ang 1.8M na house and lot at marami pang iba. Kung titingnan nga naman, ang hirap talagang paniwalaan! “TOO GOOD TO BE TRUE!” Sabi nga ng ilang nakausap ko na. Isipin mo bibili ka lang ng mga produkto ng Shema sa halagang P2,520.00 bawat buwan, magkakaroon ka na ng ganito kalaking kayamanan! Makakasabi ka nga talaga ng, “TOO GOOD TO BE TRUE!”
Bago natin tuluyang iwan ang usapin ng Shema, hayaan n’yo munang magbigay ako ng isang halimbawa para makita natin ang kahalagahan ng aking sinasabi. Sa pagkakataong ito masasabi ko na malaki ang kalamangan ng mga taong nasubukan nang mamuhay sa paniniwala sa Diyos. Bakit? Dahil parehong prinsipyo lang ang kanilang kailangang gawin — ang maniwala sa mga mahirap paniwalaan pero totoo. Kaya kung nasubukan na ninuman ang maniwala sa mga mahirap paniwalaan, madali na ito sa kanila. Dahil marami sa mga pangako ng Diyos, nasa ganitong kalagayan mahirap paniwalaan pero totoo, at kung gagamitan mo lang ng kaisipang pang-tao malamang ito rin ang sasabihin mo, “TOO GOOD TO BE TRUE!” Isa sa mga iyan ay ang, pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesus. “TOO GOOD TO BE TRUE!” – ‘Yan ang sabi ng mga taong hanggang ngayon ay umaasa pa rin sa kanilang mga kakayahan para magkaroon ng buhay na walang hanggan. Hindi nila sukat maisip na ang isang makasalanan ay mapapatawad sa lahat ng kanyang kasalanan sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Jesus. Bagaman maraming nagsasabi na, “TOO GOOD TO BE TRUE!” ito, ‘di hamak na “TOO GOOD BUT VERY TRUE!” pala ito!
Sa aking pagtatapos gusto kong sabihin na, MAY MGA MAHIRAP ISIPING TOTOO, PERO TOTOO AT MAY MGA MADALING ISIPING TOTOO PERO HINDI NAMAN PALA TOTOO. Kung ikaw ay isa sa mga taong hindi pa naniniwala sa shema dahil hindi mo sukat maisip na ito ay totoo o “TOO GOOD TO BE TRUE!” nalulungkot ako para sa iyo, kasi pinalalampas mo ang isang pagpapalang makapagpapabago ng buhay mo.
Click here to COMMENT



