Archive for the ‘May Mapapala Kahit Sa Mga Ayaw Maniwala’ Category
MANINIWALA RIN ‘YAN
MAY MAPAPALA KAHIT SA MGA AYAW MANIWALA
By Arlan Laroya
Hangarin ng artikulong ito na bigyang pansin ang ilang mga bagay na maaari nating mapala sa mga naririnig nating batikos mula sa mga hindi naniniwala sa programa ng Shema. Kaysa manghina o mawalan ng gana, tayo ay lalong tumatag dahil tayo ay nakagawa ng tamang pasya nang pumasok tayo sa Shema. Gusto ko ring hamunin sa pamamagitan nito ang mga ayaw pang maniwala o ayaw pang pumasok sa Shema. Ang hamon (challenge) ko ay hindi away kundi paghahangad na kayo man ay mapagpala rin ng Diyos dahil sa Shema.
Sa loob ng mahigit isang taon ko sa Shema ay marami-rami na rin akong narinig at nabasang mga opinion, kuro-kuro, palagay at mga dahilan ng mga tao kung bakit ayaw nila sa Shema. Ilan sa kanila ay ayaw sa Shema kasi raw “too good to be true”, kasi scam daw ito, kasi networking din lang daw ito, wala raw silang pera, meron na raw silang napasukang iba, lokohan lang daw ito at marami pang ibang dahilan. Pero kahit ganon sila sa ngayon ay nanatili namang updated sa mga nangyayari sa Shema, minsan nga nauuna pa nilang malaman ang mga balita kaysa sa ibang members. Ang kaibahan nga lang nito inaalam nila ito kasi umaasa silang minsan isang araw ay tutupi na tayo at naka-ready na rin silang tumawa at mangutya. Lahat ng bad news ay alam nila at sinisikap nilang palakihin at ipaalam sa maraming tao para tularan sila na hindi pumasok.
Minsan natataranta na ang ilang members lalo na ‘yong hindi pa malalim ang kaalaman ‘pag nababasa nila ang mga batikos ng mga hindi naniniwala, hindi nila maisip kung paano sasagutin ang mga ito. Nakapag-iisip tuloy na bumigay na rin, nag-aalala paano kung maraming maniwala sa mga hindi naniniwala o paano kung maraming maniwala sa mga mali ang paniniwala at paano kung totoo ang kanilang mga batikos? Nakakatakot nga naman kung iisipin! Pero ito lang ang masasabi ko, “WAG KAYONG MAG-ALALA, ANG DIYOS ANG MAY CONTROL!”
Para sa mga hindi naniniwala ito ang hamon ko sa inyo, kung anuman ang inyong dahilan ngayon kaya ganyan kayo magsalita, ngayon lang ‘yan, hindi rin ‘yan magtatagal dahil mahaba na ang isang taon at member na rin kayo ng shema, kasama na rin namin kayo na ipinagmamalaki ang Diyos na nagbigay ng Shema. Bakit ko ‘yan nasabi? Kasi lahat ng batikos ninyo sa mga panahon na ‘yan ay nasagot na, makikita na rin ninyo ‘yong mga hindi ninyo pinaniniwalaan noong una o baka ‘pag pinalad pa kayo ay may manglibre pa sa inyo na kaibigan ninyong pinayaman na ng Diyos sa Shema. Eto pa, ewan ko na lang kung hindi ka pa rin pumasok sa Shema ‘pag nakita mo na ‘yong kakilala mo na pinagtatawanan mo dahil sa Shema, ngayon ay mayaman na. Dati nagji-jeep lang ngayon may sarili ng SUV. Dati s’yo umuutang ngayon ikaw na ang pinapautang. Sana ‘pag dumating naman ang araw na iyon, magkwento naman kayo na isa rin kayo sa mga dating matigas ang ulo pero kinahabagan pa rin ng Diyos dahil nakapasok pa kayo bago pa man kami huminto sa pagtanggap ng mga bagong members na mangyayari ‘pag naabot na namin ang 9M na Filipino o ‘pag sumapit na ang March 2016 alin man d’yan ang mauna.
Uulitin ko naman sa inyo na members na ng Shema, ‘Wag kayong mag-alala o magduda kasi ang Diyos ang may kinalaman bakit may Shema kaya hindi Niya hahayaan na masira ang Kanyang plano sa mga taong umaasa sa Kanya sa Shema, dahil lamang sa mga batikos ng mga hindi naniniwala! Kung may mga hindi naniniwala sa Shema ngayon tuloy lang ang buhay, hindi natin sila kaaway kaya ‘wag nyo silang awayin sa FB o saan man. Hindi pa sila naniniwala ngayon pero maniniwala rin ang mga ‘yan ‘pag napakinggan na nila ang programa ng Shema. Baka ganyan ka rin naman dati, pasalamat ka kasi nakapasok ka na.
Click here to COMMENT



