HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
Opportunities are like sunrises. If you wait too long, you miss them.
Unknown
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Nandito Lang Sa Filipinas Ang Pagpapala’ Category

MAY PAGPAPALA SA FILIPINAS

ANG KALAMANGAN NG SHEMA SA PAG-A-ABROAD
By Arlan Laroya

Pangkaraniwan na sa ating mga kababayan na ituring ang pag-a-abroad na pinakapangunahing paraan o dahilan para umasenso ang buhay. Sa tingin nila kahit may maganda kang trabaho dito sa bansa hindi sapat para maabot mo ang kasaganahan sa buhay na pinapangarap. Naging pananaw ko rin ‘yan sa mahabang panahon hanggang sa makita ko ang Shema at ikinumpara ang iba’t-ibang punto. Sa pagbasa ninyo ng artikulong ito gusto kong bigyang pansin ang Shema bilang isang alternatibo kung hindi man pangunahing pagmumulan ng ating kabuhayan.

SHEMA PAG-A-ABROAD
Maliit lang ang panganib (risk) 

Dahil pwede mo itong gawin kahit nasa bahay ka lang.

Malaki ang panganib (risk) 

Kailangan mong dumayo sa malayong lugar, makisalamuha sa iba’t-ibang lahi, ugali, paniniwala, nasa gitna ng dagat o gitna ng disyerto. Expose sa mga chemicals.

Maliit lang ang cash pay out 

P2,520/mo. lang at may kapalit pang masustansya at masasarap na inumin. Hindi mo kailangan biglain ang pagbili.

Malaki ang cash pay out 

Kailangan mong gumastos para sa mga papeles, medical, trainings, placement fees, minsan pati lagay kailangang ibigay.

Kasama mo ang pamilya 

Dahil hindi ka na kailangan pang umalis ng bahay madalas mong makakasama ang iyong pamilya at masusubaybayan mo sila hanggang sa paglaki.

Hiwalay ka sa pamilya 

Ito ang isa sa pinakamalaking sakripisyong pinagdadaanan ng isang nag-a-abroad ang mahiwalay sa pamilya at marami nang nasirang pamilya dahil dito.

Permanente ang kita 

Ayon sa programa ng Shema ang pagpapalang matatanggap nang bawat Filipino na maniniwala ay hindi mauubos.

Pansamantala lang ang kita 

Gaya ng lahat ng uri ng trabaho may sweldo lang habang nagtatrabaho pa.

Kahit hindi skillfull 

Hindi naman kailangan na may skill ka pa para bumili ng produkto ng Shema.

Dapat skillfull 

Ang mga employer ay hindi makikipagsapalaran na kumuha ng isang manggagawa na gagastusan niya ng malaking halaga nang walang anumang kaalaman, kaya sa pag-a-abroad una sa lahat dapat may skills o kaalaman ka.

Kahit hindi mataas ang pinag-aralan 

Hindi naman kailangan na may mataas na pinag-aralan para bumili ng produkto ng Shema.

Dapat nakaabot man lang ng 2yrs college 

Kung hindi man college graduate kahit man lang sana nakatungtong ng 2 years sa college.

Kumpleto ang benepisyo (Holistic) 

Hindi lang pera pera ang Shema dahil ang pera ay isa lamang sa maliit na bahagi ng benepisyo ng Shema. Dahil habang ikaw ay pinapayaman ng Shema, ikaw ay pinapalusog at hinuhubog sa pagiging maka-Diyos na pamumuhay (ang Diyos ay hindi lang singit sa programa kundi Siya ang Sentro).

Madalas pera o material lang na benepisyo 

Madalas walang pakialam ang mga employer kung nagkakasakit o napapariwara na ang kanilang mga trabahador ang mahalaga kumita sila.

Maikling panahon lang ang kailangan para maabot ang pag-unlad 

Ang unang 16 na buwan lang ang kailangan mong paghirapan ng husto pero ‘pag nakalampas ka na doon ang lahat ng gagawin mo ay may kaukulan nang reward.

Marami sa kanila tumanda na sa trabaho o nag-retire na hindi pa rin naaabot ang pag-unlad 

Dahil hindi naman naka-programa sa pag-unlad ng bawat nag-a-abroad ang kanilang gagawin kaya kahit minsan ay tumanda na sila hindi pa rin sila maituturing na maunlad.

Walang boss na mahirap pakisamahan 

Isa sa malaking ginhawa sa isang tao ay ‘yong wala silang boss pero kumikita siya ng pera, dahil nagagawa niya ang kanyang gusto.

May boss na kailangang pakisamahan 

Maraming magagaling na manggagawa na nauwi lang sa wala dahil mismong ang boss nila ang naging hadlang para maabot nila ang kanilang pag-unlad. Kahit magaling ka ‘pag hindi ka marunong makisama sa mga boss mo wala ring pag-unlad.

Hindi kailangan pumasok sa opisina araw-araw 

Maraming nangangarap nang malaking sweldo pero hindi na kailangang umalis ng bahay, makipag-siksikan at makipag-agawan sa mga tao para pumasok sa opisina. Ito na ‘yon!

Kailangan pumasok sa opisina para may sweldo 

‘Pag dating mo sa abroad kailangan mo pa ring pumasok sa opisina kung saan ka nagtatrabaho. Mapalad na nga lang ‘yong iba dahil minsan nasa likuran lang nang kanyang opisina ang kanilang barracks, ganon pa man kailangan n’ya pa ring bumangon, lumabas ng barracks at pumasok opisina.

Maraming pwedeng matulungan 

Maliban sa actual na kita na hindi mauubos na pwede mong ibahagi, makakatulong ka rin sa mga mahal mo sa buhay kung sila man ay maipapasok mo sa Shema sa ganon ay dadaloy din sa kanila ang masaganang pagpapala.

Madalas sapat lang sa pangangailangan ang sweldo 

‘Pag ikaw ay swelduhan madalas at malamang sapat-sapat lang ito minsan kulang pa sa pangangailangan mo. Kaya mahirap kang tumulong. Kung tutulong ka man talagang kailangan mong igapang.

Kahit hindi physically fit 

Kahit may kapansanan pwedeng sumali at ‘pag nagkaganon may sure na pagpapala na siya.

Dapat physically fit 

Sa pag-a-abroad dito pa lang sa Filipinas hindi ka na makakalabas para magtrabaho kung hindi physically fit. Halimbawa construction worker na kailangang magbuhat ng mabigat pero may kapansanan, doon pa lang bagsak na agad.

Walang retirement 

Dito kahit lampas ka na sa edad ng pagtatrabaho pwede ka pa ring kumita nang malaking pera, dahil hindi naman nakabase sa kakayahan mong magtrabaho ang kita mo dito.

Hanggang bata at kaya pang magtrabaho lang 

Dito ‘pag hindi ka humataw habang kaya mo pa malamang mapaglipasan ka na. Dahil ‘pag inabot ka na nang edad para mag-retire kahit kaya at gusto mo, mismong employer mo pahihintuin ka na.

Pwedeng ipasa sa mahal sa buhay 

‘Pag dumating na ang panahon na ikaw ay kailangan nang umuwi sa Diyos na maylikha ang sinimulan mo ay hindi mauuwi sa wala dahil maaari mo itong iwan sa iyong mga mahal sa buhay. Tuloy-tuloy ang pag-unlad!

Non-transferable 

Kahit ikaw na ang pinakamagaling at inaasahan sa larangan mo, hindi kasiguruhan na namana ito ng mga anak mo para ipagpatuloy nila ang sinimulan mo. At kung sakaling kaya rin ng mga anak mo ang kahusayan mo, hindi rin mangangahulugan na mabibigyan sila ng parehas na pagkakataon na naibigay sa iyo.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031