Archive for the ‘Pinaquiao Na Yaman’ Category
PINAQUIAO NA YAMAN
MANNY “PACMAN” PACQUIAO: ISANG INSPIRASYON
By Arlan Laroya
Sa twing binabanggit ang pangalang Manny Pacquiao, saan mang dako ng mundo, wala yata
ng Filipino ang hindi nakakadama nang pagmamalaki bilang isang Filipino. Kahit siguro ‘yong hindi mahilig sa boxing biglang nagkakahilig dahil sa kanya. Malayo na nga talaga ang narating nang isang dating mahirap pero masikap na taong katulad ni Pacman.
Halos lahat yata ng laban ni Pacman ay napanood ko na rin kasi kahit noong hindi pa siya ganito kasikat ay
napapanood ko na siya at isa sa hinangaan ko ay ang kanyang diterminasyon na magtagumpay. Parang hindi ko nakitang nilalaro n’ya ang kanyang profession bagkos ginagawa niya ang lahat nang pagsisikap na mas mapabuti pa ito, kaya hindi nakapagtataka na nandiyan na s’ya sa kanyang kinalalagyan. At kung patuloy niyang gagawin ang ginagawa na niya ngayon sa iba pa niyang papasuking profession gaya ng politika, malamang maaabot niya ang pinakamataas na pwesto sa bansa.
Nakakatawa kasi noong una nakikibilang-bilang din ako sa pera ni Pacman, dahil alam naman natin na dollars ang kinikita niya, kaya kinikwenta-kwenta ko rin ang katumbas nito sa piso. Grabe sa sobrang laki sumusuko
ang calculator. Nito lang huling laban niya, ayon sa balita $20M ang kinita niya sa laban plus $10M sa pay-per-view. ‘Wag mo na isama ang mga kinita sa endorsements, guestings at mga sariling negosyo, malinis na $30M kung sa P40/$1= P1,200,000,000 na agad ‘yan, mahirap nang ubusin ‘yan! Ang nakakalungkot lang na katotohanan isa lang ang Manny Pacquiao sa mundo at kahit yumaman siya ng todo-todo, mahirap pa rin tayo kung hindi tayo magsisikap para sa sarili natin. Kung iniisip mong wala ka nang pag-asa dahil hindi ka naman marunong mag-boxing, ‘wag kang mawalan ng pag-asa dahil hindi naman boxing ang solusyon para yumaman ka, kasi hindi naman lahat ng boksingero ay naging katulad o magiging katulad niya.
Ang isang magagawa ng Manny Pacquiao sa iyo bilang isang Filipino ay ang
gawin mo siyang inspirasyon, na kahit ipinanganak na mahirap ay umasenso ang buhay dahil sa paggamit ng angking kakayahan na bigay ng Diyos sa kanya, sa pamamagitan ng TIWALA SA DIYOS, KATAPANGAN, KABABAANG LOOB, DISPLINA at DITERMINASYON. Naniniwala ako na ikaw ay tulad din ng marami na pinagkalooban na ng Diyos ng isang bagay na magagamit mo para mabuhay ka ng maginhawa. Kailangangan mo lang gawin ang ginawa nang mga taong umasenso na sa buhay–tulad ni Manny Pacquiao.
Minsan pa ay inaanyayahan kitang buksan mo ang iyong puso para maunawaan ang plano ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng SHEMA FOUNDATION. Kahit hindi ka magaling na boksingero gaya ni Pacman, maaari ka pa ring yumaman kagaya niya.
Click here to COMMENT



