Archive for the ‘SHEMA: Pagpapalang Mula Sa Diyos’ Category
MASAGANA ANG PAGPAPALA NG DIYOS
SHEMA: PAGPAPALANG MULA SA DIYOS
By Arlan Laroya
Alam at pinapaniwalaan ng halos lahat ng tao sa mundo na ang Diyos ay tunay ngang Diyos na masaganang nagpapala sa lahat ng tao—kahit nga rin iyong mga taong hindi naniniwala sa Kanya ay nakararanas din ng Kanyang kabutihan (Mt.5:45). Kaya hindi mahirap para sa mga taong naniniwala, lalo na para sa mga taong nagsasabing ang Diyos ang kanilang Panginoon, Tagapagligtas at Ama. Ano pa kaya sa atin na member ng Shema Familia? Tama lang talaga na kilalanin ang Shema bilang isang pagpapala mula sa Diyos.
Pahintulutan n’yo po akong sabihin sa inyo ang aking ilang dahilan bakit ko nasabi na ang Shema ay mula nga sa Diyos. Ang Shema ay mula sa Diyos dahil sa pasimula pa lang ay nagpadala na siya ng Kanyang sugo para ipaabot kay Dadi Cris na magpapadala Siya ng pagpapalang hindi mauubos at sa takdang panahon ay dumating na nga ito. Naalala ko tuloy ang mga pangyayari sa buhay nila Abraham, Noah, Moises, Samuel, David at Maria na ina nang Panginoong Jesus nang kausapin sila ng Diyos para sa isang misyon. Para sa kanila hindi rin naging madaling paniwalaan ang kanilang mga narinig, makailang-ulit din nagduda, hindi rin nila nakita na karapat-dapat sila sa planong ito ng Diyos. Marami rin silang tanong na mahirap sagutin, marami rin silang isinakripisyo para mangyari ang planong ito ng Diyos, marami ring hindi naniwala. Pero nangyari pa rin ang dapat mangyari, naganap ang nais ng Diyos ayon sa Kanyang mga sinabi. At sa Shema, dumating ang pagpapalang hindi mauubos dahil ‘yon ang sabi ng Diyos. Ang kailangan na lang ngayon ay maipamahagi ang mga pagpapalang ito sa 9M Filipino na maniniwala sa plano at programa ng Diyos.
Narito na tayo ngayon sa yugto na naniwala na, umaasa na rin tayo na makakabahagi sa mga pagpapalang mula sa Diyos dahil nakinig at sumunod tayo. Dahil nagsimula na tayong maniwala sikapin nating gawin ang ating bahagi na magsisilbing materyales na bubuo at magpapatibay sa ating itinatayong bahay. Dahil mula ngayon ay mabibiyayaan na tayo nang mga pagpapalang dadaloy sa pamamagitan ng Shema. Pero malaking pagkakamali kung iisipin natin na pagpapalang pera o material lang ang nais ng Diyos na makamit natin dito, dahil higit sa lahat ay ang ating pagkatao ang gustong ayusin ng Diyos, na nasira dahil sa kasalanan, kahirapan at kawalan ng panahon sa Kanya. Nais Niya na makabalik tayo sa Kanya ng buong-buo. Kaya kung mapapansin ninyo may mga pagkakataon na hindi nangyayari ang mga gusto natin kahit parang pwede na, ‘yan ay dahil may nais pang ituro ang Diyos sa atin, na kung hindi tayo matututo, malamang wala tayong mapapala. Maaari Niyang pigilin ang pagdaloy ng pagpapala dahil alam Niya na hindi pa tayo karapat-dapat sa mga pagpapalang iyan. Kaya malaki ang kinalaman ng ating pagsunod para bumilis o bumagal ang pagdaloy nang inaasam na pagpapala.
Ito ang aking rekomendasyon para sa lahat sa atin. Kung meron man sa atin ang gusto pang magpalusot, gustong gamitin ang mga members ng Shema sa pangsariling layunin o nais pagkakitaan ang Shema labas o salungat sa programa nito itigil na natin iyan dahil bukod sa hindi ‘yan magtatagumpay, makapagpapahina pa iyan sa pundasyon ng bahay na ating itinatayo at ang pera na makukuha natin sa ganyang maling gawain ay kakarampot lamang kumpara sa ibibigay sa atin ng Diyos kung susunod lang talaga tayo. ‘Wag nating tularan si Gehazi (2Ki.5:1-27) na pinagkakitaan pa ang kabutihan ng Diyos, dahil siguradong magiging sumpa lamang ito sa atin. Kung nagawa na natin ‘yan ito na ang panahon para humingi ng tawad sa Diyos at talikdan na ‘yan.
Ang Shema ay pagpapalang mula sa Diyos! Laging makinig at laging sumunod!
Click here to COMMENT



