Archive for the ‘Shema Para Sa Matatalino’ Category
SHEMA PARA SA MATATALINO
KUNG MATALINO KA BAKIT MAHIRAP KA?
By Arlan B. Laroya
Isang nakakaintrigang tanong, na nangangailangan ng isang makabuluhang sagot.
Oo nga naman bakit may mga tao na nagsasabing matalino daw sila, pero naghihikahos sa kahirapan? Dahil kung matalino sila, ang isa sa una nilang gagawin ay ang gamitin ang kanyang katalinuhan para guminhawa ang kanyang kalagayan kasama na maging ang kanyang mga mahal sa buhay. May nagsabi sa akin marahil kaya raw nagkaganon, siguro hindi n’ya ginamit ang kanyang katalinuhan! Kung ganon hindi talaga s’ya matalino! Kasi kung matalino s’ya, sigurado alam niyang gamitin ang kanyang katalinuhan, kung hindi man, hindi rin magtatagal at malalaman din niya kung paanong gamitin ang kanyang katalinuhan para yumaman siya, kasi matalino nga siya.
Kaya nga ang tanong pa rin ay, “Kung matalino ka bakit mahirap ka?” Ayon sa aking pananaw kaya siguro may nagsasabing matalino sila pero patuloy na naghihirap ay baka akala lang nila magiging matalino na sila dahil sinabi nila iyon o ang sabihing matalino siya ay sapat na batayan para maging matalino na siya, pero ang totoo at malinaw na lumalabas na hindi talaga sila matalino. Marami sa kwento ng mga kilalang mayayaman sa mga nakaraan at sa kasalukuyang panahon ay nagpapahayag na hindi lang ang katalinuhan ang naging puhunan o dahilan para maabot nila ang kanyang karangyaan. Una na siempre d’yan ay si haring Solomon, alam naman natin na siya ang itinuturing pinakamatalinong tao hanggang sa kasalukuyan, yumaman siya kasi kinilala niya na ang Diyos na S’yang pinagmumulan ng tunay na katalinuhan at magandang kinabukasan. Siempre marami ring naging mayaman dahil nagsipag at nagtyaga. Pwede kasing matalino ang isang tao pero tamad at walang tyaga, kaya ‘yon naghihirap. Pwede rin namang walang disiplina sa buhay. Unang una na sa paggamit ng pera. Kasi kahit gaano ka katalino kung hindi mo naman didisiplinahin ang sarili mo sa paggastos malamang hindi ka yayaman. Isa pang dahilan kung bakit hindi yumayaman ang isang tao kahit matalino daw siya ay dahil sa “Pride”, kasi ang isang taong ma-pride ayaw ding makinig, at dahil ayaw makinig hindi na s’ya natututo pa o marami siyang napapalampas na magagandang pagkakataon na maaaring magpayaman sa kanya. Ang huli ay ang kawalan din ng sapat na lakas ng loob na sumubok ng bago, ngunit hindi ko sinasabi na lahat ng bago ay subukan mo, pero kung matalino ka kahit paano alam mo kung anong bago ang pwede mong subukan. At kung matalino ka nga talaga, sigurado akong matagal na ang limang taon para malaman mo kung may napapala ka sa isang bagay na paulit-ulit mo nang ginagawa ngayon. At kung nalaman mo na nga iyon, at talagang matalino ka, magkakalakas ka ng loob para sumubok naman ng bago. Marahil ay meron pa kayong ibang dahilan na nasa isip kung bakit may mga nagsasabing matalino siya pero naghihirap naman. Ganon pa man, hindi maiaalis sa kaisipan ng marami na may kinalaman ang pagyaman sa katalinuhan!
Alam mo ang aming foundation ay may tulong na gustong ibigay sa inyo na bumabasa nito. Kilala ito bilang Shema foundation. Ang “SHEMA” ay isang salitang Hebreo na ang ibig sabihin ay makinig, baka ito na lang ang kailangan mo para yumaman ka–ang makinig!
Click here to COMMENT



