HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
After the game, the king and the pawn go into the same box.
Italian Proverb
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘Tunay Na Yaman’ Category

TUNAY NA YAMAN

‘WAG UMASA SA SABI-SABI
By Arlan Laroya

Ilang oras na lang at magpapaalam na tayo sa 2010, maya-maya lang ay 2011 na, halos ilang araw na ring busy ang mga tao sa paghahanda, hindi lang nang kung ano ang kanilang kakainin kundi kung ano ang magpapasok ng swerte sa kanila ngayong papasok na taon.

Pangunahin sa mga iyan ay ang pagpapaputok. Dahil ang pagpapaputok daw ay nakapagtataboy ng mga masasamang espiritu. Mas malakas ang putok, mas malakas na demonyo ang lalayas! Dagsa na rin ang bumibili ng mga prutas na bilog, hindi lang isang uri, dapat labing-dalawa pa talaga at dapat ang damit may bilog-bilog ding design dahil korteng pera daw kasi ito. Sinasabi rin ng ilang matatanda dapat may barya na kinakalog-kalog sa bulsa para swerte. Ilan lang ‘yan sa mga madalas na nating ginagawa sa tuwing sasapit ang ganitong panahon. Noon nga pinapatalon pa ako ng lola ko eh para tumangkad ako. Ilang panahon din akong tumatalon-talon tuwing papasok ang bagong taon, hindi naman ako tumangkad. Kung tutuusin marami pang pamahiin gaya niyan ang hindi ko na nabanggit.

Hayaan n’yo pong ibahagi ko naman ang aking pananaw. Ipagpalagay natin na totoo ang lahat ng mga nabanggit kong paniniwala. Na ‘pag nagpaputok ay lalayas na ang mga masasamang espiritu o demonyo, ilang taon na ba tayong nagpapaputok? Sa tingin n’yo ba nabawasan ang mga demonyo sa Filipinas? Marahil ay sasabihin ninyo, “Hindi natin alam, malay mo.” Kung hindi tayo tiyak sa resulta bakit pa natin ginagawa? Pero ang masasabi ko,walang silbi ang mga ‘yan! Para sa akin hindi talaga nabawasan, baka nadagdagan pa nga, kasi naniniwa tayo sa mga pandaraya nila. Kasi ang Biblia na mismo ang may sabi na ang demonyo ay mapapalayas lang sa pangalan ni Jesus. Hindi lang tama, mabisa at ligtas pa! Mamaya naputukan ka pa gaya ng marami na putol na ang daliri, kamay o paa at ung iba nabulag at may mga namatay na rin. Hindi ba, ‘yan pa nga ang gawa ng mga demonyo? Magnakaw, pumatay at mangwasak?

Kung totoo naman ang sabi-sabi na swerte ang bilog-bilog, na kapag ginawa mo iyon aasenso na ang buhay mo, hindi ka magkukulang o magiging masagana para sa iyo ang taong papasok. Sige tingnan mo ‘yong mga taong gumagawa ng gayon taon-taon, higit na mas marami sa kanila ay naghihirap pa rin, kung meron mang umunlad hindi pa rin sapat na dahilan para sabihing ‘yon ang dahilan. Kasi kung ‘yon ang paraan dapat sana lahat ng gagawa ng ganon mayaman na. Kung ang bilog-bilog ay simbulo ng pera, lugi! Kasi konti lang ‘yon dahil ‘yong bilog ay korteng barya sana parihaba kasi ‘yon ang korte ng mas malaki ang halaga.

Nakakatawa na lang kung iisipin pero hindi biro ang perwisyong dinudulot nito sa atin. Maliban sa aksidente, air pollution pa! Sana magising na ang mga kababayan natin, ‘wag nang umasa sa mga hindi tiyak para makatiyak sa pag-unlad! Ang irony, mas marami ang naniniwala sa mga ito kahit sila mismo ay hindi tiyak kung ito ay totoo. Taon-taon na lang nagbabakasakali sa mga kasabihang hindi naman totoo. Ang Biblia ay ang katotohanan pero hanggang ngayon halos ayaw pa ring paniwalaan. Ganon din ang Shema bagaman mahirap paniwalaan, pero totoo, ayun halos ayaw ding paniwalaan! Hanggang kalian tayo magpapaputok? Hanggang kailan tayo magssusuot ng may bilog-bilog, para lang umasenso? Magising na tayo!

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031