HEALTHY LIFESTYLE

Malugod po namin kayong inaanyayahang magtanong o humingi ng LIBRENG payo kay Ms. Glenda Laroya - Dagal tungkol sa Healthy Lifestyle.

Mag-text o tumawag sa mga numerong 09233685018 o mag-email dito:

g_laroya@yahoo.com


Winner of the New7Wonders of Nature

Congratulation Puerto Princesa Underground River!

Palawan's Underground River!


Isang Pasasalamat!

Ako at ang aking pamilya ay taos pusong nagpapasalamat una sa Diyos na nangalaga at nagpagaling sa akin nang ako ay magkasakit. Sa ating mga kapatiran at mga kaibigan na hindi tumigil sa pananalangin para sa aking mabilis na paggaling at sa mga magagaling, masisipag at mabubuting Doctor, Nurses at Staff ng OPD MALE WARD ng SAN JUAN DE DIOS HOSPITAL, pagpalain kayo ng ating Diyos na buhay! - Pastor Arlan Laroya


Attention all MEMBERS and HARVESTERS:

Please be advised that you are required to bring and wear your SUBICC/SUDIF ID within the company premises. You will not be allowed to transact in any of its companies/departments without proper identification. Through this, the employees can easily identify the bonafide members and lessen time in searching for ID Nos.

-=oOo=-

Sa mga mag-o-open ng cash card account sa Allied Bank, kailangan po ninyong magdala ng mga sumusunod na requirements:
1.) Two (2) valid gov't ID's
2.) Two (2) pcs. 1x1 pictures
3.) SUBICC & SUDIF ID's
4.) Proof of billing

Wala po kayong babayaran!

-=oOo=-

Inspirational Quote
In the hopes of reaching the moon men fail to see the flowers that blossom at their feet.
Albert Schweitzer
Powered By: Inspirational Sayings
Ka-Link

Archive for the ‘‘Wag Matakot Magtanim’ Category

ANG KAHALAGAHAN NG PAGTATANIM

‘WAG MATAKOT MAGTANIM
By Pastor Arlan B. Laroya

Minsan ay may nabasa akong kwento tungkol sa isang tao na walang inani dahil wala siyang itimanim. Kung iisipin, ano naman ang “Big Deal” doon? Natural lang naman na wala siyang anihin dahil wala siyang itinanim. Pero kung maririnig ninyo ang buong kwento tungkol sa dahilan kung bakit hindi siya nagtanim maiinis kayo kasabay ng malaking panghihinayang sa mga pinalampas niyang mga pagkakataon.

Ganito tumakbo ang kwento. May isang tao ang pinamanahan ng isang lupain na may sapat na laki na kung kanyang tatamnan ay magbibigay sa kanya ng napakalaking pera na sasapat sa kanilang mga pangangailangan at maaari pang makatulong sa kanyang mga kamaganakan at kaibigan. Pero ang taong ito ay walang-wala ngayon at halos mamalimos sa kawalan. Minsan ay may nagtangkang alamin bakit ang isang katulad n’ya na may malaking lupain at may sapat kakayahan para magtanim ay ilang panahon nang walang ani at ngayon ay naghihikahos sa hirap? Nalaman nila na ang dahilan pala ng taong ito ay simple lang. May pagmamalaki niyang sinabi ang kanyang dahilan. Ayon sa kanya, kaya raw siya hindi nagtatanim ay dahil may duda siya na baka hindi maganda ang lupa, baka hindi tumubo ang mga itatanim niya at masayang lang ang kanyang pagpapagal pagdating ng panahon. May nagsabi sa kanya na, “Bakit hindi mo subukan?” Sinagot naman niya ito nang, “Isa pa, baka sa kalagitnaan ay biglang bumagyo o may dumating na mga mapaminsalang peste, salantain lamang ang aking mga pananim, masayang lang ang aking pagod.” Dinugtong pa niya, “Mabuti na ‘yong nag-iingat, alam mo naman sigurista rin ako, ayokong masayang ang aking mga paghihirap.” Lumakad siya ng palayo na walang-wala pa rin.

Alam ninyo marami pa ring tao ang may ganyang pananaw – ayaw makinig, kung nakikinig man, ayaw unawain ang mga napapakinggan, ayaw pag-aralan ang mga oportunidad na dumarating sa kanilang buhay at kung minsan kahit wala naman talagang dapat katakutan o pagdudahan ay ayaw namang makipagsapalaran. Sa huli ang sasabihin lang nila, “BUTI NA ‘YONG NAG-IINGAT” Ano ang halaga o buti ng pag-iingat kung dahil sa pag-iingat na ‘yan ay wala ka rin namang nagagawang pag-asenso? Ano ang halaga o buti ng pag-iingat kung dahil sa pag-iingat na ‘yan ay marami ka namang pinalalampas na oportunidad?

Marami akong nakakausap na tao para ialok ang pagpapalang matatanggap nila sa Shema Foundation, pero alam n’yo ba na isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw nilang samantalahin ang pagkakataon. Mabuti na raw ‘yong nag-iingat kasi nga raw marami nang naglipanang networking, MLM at kung anu-ano pa na nauwi lang sa wala. Kaya ayaw na nila, dahil mabuti na nga raw ‘yong nag-iingat.

Minsan ay naitanong ko, ano kaya ang mawawala sa akin kung bibili ako ng masustansya at masarap na mga produkto ng Shema (Kape, Choco, Red Tea at Actifiber) sa halagang P2,520.00 sa loob ng 12 buwan? Na ‘pag tapos noon ay may matatanggap akong malaking pagpapala bukod sa pera ay bahay at lupa. Paano kung hindi ‘yan totoo? Nalugi ka ba? Hindi! Kasi sa bawat bitaw mo nang P2,520.00 nakukuha mo ‘yong produkto na katumbas ng pera mo. Katulad lang din ‘yan ng namili ka sa anumang tindahan, iabot mo ‘yong pera mo kunin mo ‘yong pinamili mo. Ang kaibahan lang nito bumili ka kasi may pangakong may makukuha kang pagpapala. Ang isyu lang naman ay kung totoo o hindi. Nagpasya akong maniwala kasi kumbinsido akong ito ay totoo. At inihanda ko na rin ang aking sarili na tapusin ang 12 buwan sa kabuuang halaga ay P30,240. Sakali ngang hindi totoo wala pa ring nawala sa akin kasi nainom ko ang aking mga pinamili at malamang hanggang doon na lang hindi na uli ako bibili pa. Pero kung ito ay totoo (at totoo nga) matatanggap ko ang lahat ng kanilang ipinangako pension na hindi bababa sa P14,400.00 at bahay at lupa na nagkakahalaga ng 1.8M. Dahil naniwala ako, kaya nagtanim ako at ‘yan ang aking naani. Ayos lang naman ang mag-ingat basta wag lang pag-iingat na hahantong sa kawalan ng disisyong magtanim.

Click here to COMMENT

The On Demand Global Workforce - oDesk

May 2012
M T W T F S S
« Aug    
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
28293031