BENTONITE CLAY

Kailangan mong malaman ang kahalagahan ng paglilinis ng bituka bago mahuli ang lahat.

Ang Bentonite Clay ay mabisang detoxifier, may sangkap ito na sumisipsip ng mga lason sa ating bituka (Gastrointestinal Tract). Ito ay hindi na aabsorb ng ating katawan kaya hindi ito nakakalason. Kapag ito ay ininom natin kasama ng Psyllium Husk, ang gagawin ng clay ay hihigupin lahat ng lason sa loob ng ating bituka, gaya ng isang magnet didikit lahat ng mga lason o basura sa bituka. Ang Psyllium Husk naman ang tatapos ng proseso sa pamamagitan ng pagtulak papalabas nang lahat ng lason o dumi na dumikit sa clay.

Ayon sa pag-aaral kaya mabisa itong nagagawa ng Bentonite Clay ay dahil ito ay may negative charge, at halos lahat ng lason o dumi sa loob ng ating katawan ay may positive charge. Alam natin sa ating pag-aaral ang magkasalungat na charge ay nagdidikit. Kaya ganon na lang kabisa ang Bentonite Clay sa paghakot ng mga lason sa loob ng ating katawan. Ayon din kay Dr. Frederic Damrau, Nationally Famous New York Physician, ang Bentonite Clay ay makakatulong din sa pagpigil sa diarrhea.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga lason na pumapasok sa ating katawan mula sa ating mga kinakain, iniinom, nalalanghap at sumasagi sa ating balat, na mabisang inaalis ng Bentonite Clay. Ito ay ang mga sumusunod: polusyon, mapaminsalang bacteria, poisons, pesticides, pathogens, parasites, atbp. Lahat ‘yan kayang alisin ng Bentonite Clay ng walang iiwanang side effect sa atin.

Dahil ang Bentonite Clay ay nakakasipsip din ng mga nutrients, mahalaga na uminom tayo nito mga 1 oras bago kumain. Dapat sabayan ito ng maraming tubig para mas malawak ang masakop na lugar ng lilinisin sa loob ng bituka. ‘Wag uminom ng Bentonite Clay kasabay ng anumang bitamina o food supplements para hindi masayang, kasi hihigupin din ang mga ito ng Bentonite Clay. ‘Wag din iinom ng Bentonite Clay lang, dapat may kasamang fiber, gaya ng Psyllium Husk. Upang hindi ito manatili sa loob ng tiyan, dahil ang fiber ay ang siyang magtutulak ng Bentonite Clay papalabas kasama ang mga lason at dumi na dumikit dito.

Maaari ding gamitin ang Bentonite Clay sa paggamot ng iba’t-ibang sakit sa balat sa pamamagitan ng tinatawag na detox baths. Marami sa mga gumawa nito ay nagsabi na naging matagumpay ang panggagamot. Dahil ang Bentonite Clay ay humihigop ng mga lason at dumi, maaari din itong ipahid sa mukha o katawan (Mud Pack) upang ang mga nakabaon na lason o dumi sa balat na sanhi ng malalaking tigyawat at iba’t-ibang sakit sa balat ay mahigop papalabas.

ITO AY ISA SA MGA SANGKAP NG DAILY ACTIFIBER DEL SHEMA

Click here to COMMENT