LACTOBACILLUS ACIDOPHILUS

Ang Lactobacillus acidophilus sa ngayon ang pinaka-common at madalas irekomenda na pro-biotic at napatunayan na marami itong mga naibibigay na pakinabang sa kalusugan ng mga gumagamit nito.

Ito ay kilala din sa L acidophilus ito ay itinuturing na friendly bacteria na natural na matatagpuan mismo sa loob ng bituka, bibig at vigina. Kaya ito tinawag na pro biotic dahil pinoprotektahan nito ang ating katawan laban sa mga mapamuksang micro organisms.

Ito ay isang uri ng bacteria na nagpo-produce ng lactic acid at nabubuhay at dumadami sa acid environment. Ito rin ang gumagawa ng enzyme na tumutunaw sa isang uri ng asukal na nilalabas ng ilang productong gatas. Ang mga dalubhasa ay nagsimula na noon pa mang 1908 na pansinin ang buting magagawa ng L acidophilus sa ating katawan. Nagpatuloy ang kanilang pagsasaliksik ito hanggang 1920 at 1930 at iisa lang ang kanilang napatunayan, ang L acidophilus ay may malaking maitutulong sa kalusugan ng ating tiyan.

Hanggang ngayon ay patuloy pa ring tinutuklas ang higit pang maraming pakinabang na makukuha sa L acidophilus ng ating katawan. Sa kasalukuyan ito ay kinikilalang pinakamainam na lumalaban sa mga tinatawag na unhealthy microorganisms o bad bacteria sa loob ng bituka. Ito rin ay ang siyang tumutunaw ng maraming nutrients na kailangan ng ating katawan para lumikha ng lactic acid at hydrogen peroxide na gumagawa ng environment na mahirap para sa mga bad bacteria para mabuhay.

Kinakain din ng L acidophilus ang mga nutrients na kinakain din ng mga bad bacteria para mabuhay, dahil doon nagiging kaagaw sila ng mga bad bacteria sa pagkain. Tumutulong ang L acidophilus sa pagbibigay sa katawan ng niacin, folic acid at pyridoxine na kailangan ng para maging malusog ang ating immune system.

Mga mapapala mula sa L acidophilus.

* Boosted immune system
* Improved gastrointestinal function
* Reduced burden on the liver
* Reduced levels of serum cholesterol
* Relief from diarrhea
* Relief from indigestion

Maaaring mamatay ang mga L acidophilus dahil sa pag-inom ng mga antibiotics. Dahil dito ay magkakaroon uli ng pagkakataon ang bad bacteria gaya ng Candida yeast na magpadami sa loob ng bituka na lalong magpapalala ng karamdaman. Kaya mabuting uminom ng L acidophilus supplements matapos ang gamutan gamit ang antibiotics.

Napatunayan na na ang L acidophilus ay nakakatulong sa pagbuti ng kalusugan mga taong may sumusunod na karamdaman:

* Asthma
* Candida (Candidiasis)
* Chronic yeast infections
* Colon cancer
* High cholesterol
* Irritable bowel syndrome
* Lactose intolerance
* Respiratory infection
* Ulcers
* Urinary tract infections
* Weakened immune system

Bagaman ito ay hindi gamot at hindi maaaring gamiting panggamot, hindi maikakaila na malaki ang nagagawa ng L acidophilus sa pagbuti ng kalusugan ng mga taong regular na umiinom nito.

Sa kasalukuyan din ang L acidophilus ay ginagamit ng maraming doctor sa paglunas ng mga infection, lactose intolerance, at boosting the immune system. High cholesterol, colon cancer at ulcer.

Dahil ang L acidophilus ay dati na ring naninirahan o namumuhay sa loob ng ating katawan walang deperensya kung uminom man tayo nito, lalo na kung ang L acidophilus ay nawala o namatay dahil sa pag-inom ng mga antibiotics. Sa pag-inom ng L acidophilus ay madalas wala o bahagya lamang ang mararanasan nating side effect. Makakaramdam ka lang ng bahagyang gastrointestinal discomfort sakaling naparami ang nainom mo nito. Safe din ang L acidophilus kahit sa pinakamaliliit na sangol basta konti lang at dapat kumunsulta muna sa doctor.

Bagaman konti lang o halos wala namang side effect ang pag-inom ng L acidophilus mainam pa rin na magpakunsulta sa inyong doctor para sigurado, lalo na kung maselan ang iyong pangangatawan.

Matatagpuan natin ang L acidophilus sa mga yogurts at mga food supplements na nilikha para magbigay nito.

ITO AY ISA SA MGA SANGKAP NG DAILY ACTIFIBER DEL SHEMA

Click here to COMMENT