PAGPAPAPALA PARA SA MGA PASTOR
DALUYAN NG PAGPAPALA
By Pastor Arlan Laroya
Mahigit 20 taon na rin akong nagpapastor sa isang ‘di kalakihang church sa Las Piñas City. Masasabi ko na masaya ako sa aking naging buhay bilang pastor, bagaman marami din akong pinagdaanang hirap sa loob at labas ng aking pagpapastor. Ganon pa man lahat ng hirap na iyan ay hindi naging sagabal sa akin, lalo pa’t naiisip ko ang hirap na pinagdaanan ng Panginoong Jesus para lang maibigay sa akin ang kailangan kong kaligtasan. Kaya sa kabuuan masaya ang buhay ko sa mahigit 20 taon ng aking buhay pastor.
Minsan ‘pag binabalikan ko ang aking nakaraan, naalala ko na umaabot kami sa mga sitwasyon na walang wala talaga kami ng aking pamilya, pero kailanman ay hindi ito naging dahilan para isipin at sabihing ayaw na naming maglingkod sa Diyos, bagkos ay naging dahilan pa ito nang aming lalong pagpupursigi na paglingkuran ang Diyos. Pagpasok ng taong 2009 ay bigla kong naaalala na wala pala kaming sariling bahay. Sakali palang bigla akong kunin ng Panginoon, o kaya matapos na ang aking pagpapastor wala pala kaming uuwiang bahay na sariling amin. Dahil sa ngayon kami ng aking mag-anak ay nakatira lang sa parsonage ng church. Nag-alala talaga ako noon, lalo pa’t nasa yugto na ako ng buhay ko na malapit na akong mag-retire, dahil hindi naman ako bumabata. Dahil doon naisip ko na rin ang kabuhayan namin sakali ngang magkaganon? Malaki ang magiging pagbabago ng buhay namin na parang hindi ko yata napaghandaan.
Marahil ilan sa inyong nagbabasa ng artikulong ito ay nakaka-identify sa akin. Lalo na kayong mga nagpapastor sa mga maliliit na kapulungan, kung saan ang inyong natatanggap na sweldo, lovegift, allowance anuman ang itawag ninyo ay maliit lang dahil na rin sa kalagayan ng mga miembro ng ating church. Na kahit anong preach mo ng giving ay wala nang maibigay dahil sa kanilang nararanasan ding kahirapan. Kahit minsan gusto mong magpagamot hindi mo magawa kasi wala ka namang pambayad sa doctor at kung meron man hindi mo na rin mabibili ang mga gamot na irereseta s’yo. Ilan sa atin ay humahanap ng susuporta mula sa ibang bansa, pero hindi rin madali ‘yon. Ang iba ay napipilitang, mag-part time sa trabaho o tuluyan ng magtrabaho at part time na lang ang pagpapastor. Ang iba naman ay nauuwi sa networking. Pero gaya ng inaasahan walang nangyayari kasi hindi ‘yon nakaangkop sa nature ng ating calling bilang mga pastor.
Siguro ay sasang-ayon kayo sa akin kung sasabihin ko sa inyo na ANG KAILANGAN NATIN AY ISANG DALUYAN NG PAGPAPAPALA NA ANG MGA BASIC PRINCIPLES NA UMIIRAL AY NAAAYON SA PAMAMARAAN NG DIYOS SA PAGBIBIGAY NG PAGPAPALA SA ATIN. Ilan sa mga ito ay:
-
Dapat ay may programa itong makapagbibigay ng magandang kalusugan sa mga taong sasali dito.
-
Dapat ay may programa ito na magbibigay ng kaginhawahan sa mga taong maniniwala at may pantay pantay na pagkakataon para umasenso ang buhay.
-
Dapat ito ay hindi sagabal o kontra sa pagpapahayag ng kabutihan ng Diyos, bagkos ay lalo pa nitong nabibigyang diin ang gawaing ito.
-
Dapat ay may programa na aakay sa paglagong espiritual ng mga kasapi.
Marahil sasabihin ng ilan sa inyo mahirap yatang makahanap ng ganyang uri ng DALUYAN NG PAGPAPAPALA, malibang ang Diyos mismo ang gagawa. MISMO! Hindi ‘yan kaya ng tao dahil ang tao ay wala namang sapat na kayamanan para ipamigay sa higit na nakararaming tao, tapos alam naman natin na ang tao ay may likas na kasakiman, kaya natural lang na unahin niya ang kanyang sarili. Sakaling mayroon na siyang malaking pera, kung bibigyan man niya ang iba natural mauuna na siya. Pero kung ang DALUYAN NG PAGPAPAPALA ay galing mismo sa Diyos, makakaasa tayong mangyayari ang mga nabanggit ko.
Pahintulutan ninyong ipakilala ko sa inyo ang isang DALUYAN NG PAGPAPAPALA na tiyak akong magugustuhan ninyo kung inyo lamang papairalin ang inyong pang-unawa. Alam n’yo ba na ang Shema Foundation ay itinatag ng mga taong tinawag ng Diyos para dito, sila ay pinagkalooban ng malaking halaga upang ipamahagi sa Siyam na milyong (9M) Filipino na maniniwala sa kanilang programa? Sa ngayon ay may higit na 60 libong tao pa lang ang naniniwala at dahil naniwala, natural may dumadaloy nang pagpapala ayon sa pangako. Kung ikaw ay pastor na involved sa isang NETWORKING BUSINESS/MLM lalo pa kung hindi ka naman kumikita ng 50K/month nakikiusap ako sa iyo, umalis ka na d’yan kasi hindi ‘yan ang DALUYAN NG PAGPAPAPALA na bigay sa iyo ng Diyos. Lumipat ka dito malamang pati ang church mo ay pagpapalain din dahil mula sa iyo ay dadaloy ang pagpapala.
Kung ikaw man ay hindi pastor pero mangagawa ka sa church para din ito sa iyo, kasi ikaw man ay pinili ng Diyos para daluyan ng Kanyang mga pagpapala. ‘Wag nang magduda pa kasi ang duda ay hindi galing sa Diyos. Marami sa pagpapala ay nakakalampas o nawawalang saysay dahil sa duda. Ang daluyan ng pagpapalang ito ay galing mismo sa Diyos!
Pls. print and fill-up the application form:
FOR MORE DETAIL PLEASE CONTACT ME
Click here to COMMENT

No related posts.


